Una sa Balita

Horoscope 02/18/2020

0 394

ARIES (March 21-April 19) – Huwag ipakita ang iyong emosyon. Iwasan ang mga negatibo sa paligid. Gumawa ng mga bagay na makakapagpasaya sa iyo. Lucky number for today: 33

TAURUS (April 20-May 20) – Marami kang magagandang ideya pero hindi lahat ay sasang-ayon sa iyong mungkahi. Makinig sa kanilang opinyon at subu­kang pareho para mas mapabuti. Lucky number for today: 9

GEMINI (May 21-June 20) – Subukang makinig sa mga sinasabi ng iyong boss. Maaaring hindi mo ito gusto pero ang payo nila ang mas makabubuti sa iyo.Lucky number for today: 13

CANCER (June 21-July 22) – Makikita nila ang bilis at kumpiyansa mong kumilos sa araw na ito. Hindi ka mag-aalinlangan na sumali sa isyu na ikaw ang magbibigay ng solusyon. Lucky number for today: 18

LEO (July 23-August 22) – Maaaring wala kang pagpipilian sa gagawin mo ngayon. Kailangan mong magsumikap, ito ay magbibigay ng magagandang ­bagay sa iyo. Lucky number for today: 35

VIRGO (August 23-September 22) – Nakikita ng iyong mga mahal sa buhay na pinahahalagahan mo ang kanilang pagsisikap. Pinadadama mo ito sa gawa at hindi sa salita. Lucky number for today: 41

LIBRA (September 23-October 22) – Sa mga susunod na araw ay magiging abala ka. Maniwala ka na nakalaan ka para sa mas mabuting buhay. Lucky number for today: 19

SCORPIO (October 23-November 21) – Konsentrasyon sa iyong ginagawa ang susi para magtagumpay. Iwasan ang mga bagay na makakaabala sa iyo.Lucky number for today: 27

SAGITTARIUS (November 22-December 21) –Huwag padadala sa sitwasyon sa ngayon. Kailangan mong ituon ang iyong isip sa bagay na dapat matapos sa takdang oras. Lucky number for today: 5

CAPRICORN (December 22-January 19) – Tupadin mo ang iyong mga pangarap. Huwag kang susuko sa hamon ng buhay, isa kang Capricorn. Lucky number for today: 29

AQUARIUS (January 20-February 18) – Magandang araw ngayon para simulan ang proyekto. Huwag itong ipagpabukas pa para mas mapadali ang iyong pagtatrabaho. Lucky number for today: 31

PISCES (February 19-March 20) – Maging posi­tibo sa lahat ng pagkakataon. Magtatagumpay ka sa iyong mga gagawin sa mga darating na araw. Lucky number for today: 40

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More