Una sa Balita

Horoscope 02/17/2019

0 439

ARIES (March 21-April 19) – Ngayon ang tamang pagkaka­taon para magpaliwanag sa ibang tao. Alam mo na kung ano ang gusto mo at kung ano ang mga kailangan mo para makuha ito. Komunikasyon na ang susi para magkaroon ito ng katuparan. Lucky number for today: 22

TAURUS (April 20-May 20) – May isang taong malapit sa iyo na nangangailangan ng iyong pag-alalay. Wag ipagkait ang iyong atensyon dahil may malaki kang magagawa para mabawasan ang kanyang paghihirap. Lucky number for today: 8

GEMINI (May 21-June20) – Magiging mas magaan ang pakiramdam mo ngayon. Bagama’t hindi pa lubusang nareresolba ang mga isyu sa buhay mo, malinaw na sa iyo ang dapat gawin. Kailangan­ pa ring manatiling alerto. Lucky number for today: 35

CANCER (June 21-July 22) – Isang bagong impormasyon ang matatanggap at magdudulot ito ng bagong alalahanin. Bago tulu­yang takutin ang sarili, dapat mong ma-realize na hindi naman ikaw ang direktang apektado kaya kalma muna. Lucky number for today: 7

LEO (July 23-August 22) – Isang taong nakakataas sa iyo ng posisyon ang magiging pabigat sa araw na ito. Ang una mong reaksyon ay rumesbak pero ikaw ang matatalo kapag hindi nakontrol ang emosyon. Mas paborableng umaktong walang epekto sa iyo ang mga ginagawa niya. Lucky number for today: 9

VIRGO (August 23- September 22) – Lahat ng mga tao sa paligid mo ay may kanya-kanyang gustong gawin at magkakasalungat ito. Sa halip na maipit sa kaguluhan, dumistansya muna sa mga taong ito. Gamitin ang araw para ganap na makapagrelaks. Lucky number for today: 31

LIBRA (September 23-October 22) – Gawin ang bagay na makakapagpasaya sa iyo at magpapabalik ng iyong sigla. Hindi masamang isantabi muna ang mga seryosong gawain at ibigay ang buong atensyon sa special bonding. Lucky number for today: 6

SCORPIO (October 23-November 21) – Wag magsayang ng oras sa pagtitimbang kung ano ang mabuti at makabubuti. Sa araw na ito, hindi paborable na patagalin ang pagdedesisyon sa mga maliliit na bagay lamang. Wag matakot na makiayon muna sa agos. Lucky number for today: 31

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Pakiramdam mo ay nawawala sa iyo ang kontrol ng mga nangyayari. Pero sa susunod na araw, mare-realize mong binubuksan lamang nito ang isang bagong oportunidad na magbibigay ng dagdag benepisyo sa iyo. Lucky number for today: 15

CAPRICORN (December 22-January 19) – May malalaman kang importanteng impormasyon tungkol sa iyong karibal. Wag ma­ngambang gamitin ang impormasyong ito pero iwasan lamang na ilagay sa kahihiyan ang sinuman. Lucky number for today: 26

AQUARIUS (Ja­nuary 20-February 18) – Hindi magiging isyu sa iyo ang pera. Pero hindi ito rin ito lisensya para abusuhin ang paggastos. Isipin munang mabuti kung ang isang bagay na gusto mong bilhin ay totoong magagamit mo. Lucky number for today: 46

PISCES (February 19-March 20) – Nasa mood ka para sa isang pag-uumpisa pero mas paborableng ipagpa­liban ito nang ilang araw. Walang kaila­ngang ipagmadali. Perfect timing ang kaila­ngan. Bigyan ang sarili ng sapat na panahon para mapag-isipan ang lahat. Lucky number for today: 56

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy