Una sa Balita

Horoscope 02/16/2020

0 366

AQUARIUS (January­ 20-February 18) – Makabubuti na ipagpa­liban muna ang kahit anong klase ng paglalakbay ngayon. Maging orga­nisado at pag-aralan ng maigi ang lahat ng mga balak. Lucky number for today: 5

PISCES (February 19-March 20) – May maliliit na bagay na maaa­ring makagulo ngayong araw, ‘wag mag-alala dahil madali mo itong mabibigyan ng solusyon. Magandang maglaan ng oras na mapag-isa para manatiling­ kalmado. Lucky number for today: 42

ARIES (March 21-April 19) – ‘Wag kang mabahala kung hindi man sang-ayon ang araw na ito sa’yo. Parte talaga ng buhay ang pag-kabigo para patibayin ka para sa mga susunod na hamon. Lucky number for today: 35

TAURUS (April 20-May 20) – Masyado ka mang busy sa iyong buhay ngayon ay ‘wag kang makalimot. Maglaan ng panahon at oras para sa isang kaibigan o pamilya na matagal mo ng hindi nakakasama. Lucky number for today: 16

GEMINI (May 21-June 20) – ‘Wag mong ipagdamot ang mga taong mahal mo at mahalaga sa’yo. Hayaan mo sila na magkaron ng mga bagong ka­kilala at kaibigan. Sabi nga nila, ‘mas marami mas masaya’. Lucky number for today: 7

CANCER (June 21-July 22) – Walang masama na marami ang humahanga sa’yo. Pag-isipan lang kung sila ba talaga ang mga taong kailangang bumilib sa iyong galing.­ Mag-hangad ng mas mataas. Lucky number for today: 39

LEO (July 23-August 22) – Hindi mo kailangan­ sundin ang gusto ng iba. Manindigan at gawin ang iyong sariling plano. Lucky number for today: 8

VIRGO (August 23- September 22) – Walang anumang bagay ang komplikado para sa’yo ngayong araw na ito. Humanda na umalalay at ipaliwanag sa iba ang mga nararapat. Lucky number for today: 27

LIBRA (September 23- October 22) – Normal lang na hindi mo makukuha ang pagsang-ayon ng lahat. Wala kang magagawa para maiwasan ito. Malaya lang na kumilos at ipahayag ang iyong gusto. Lucky number for today: 55

SCORPIO (October 23-November 21) – Minsan kaya hindi nangyayari ang mga bagay na plinano mo ay dahil may mas magandang bagay na nakalaan para sa’yo. Hindi mo kailangang magmadali. Darating ang araw na maiintindihan mo kung bakit nangyari ang mga ito. Lucky number for today: 12

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Nababagalan ka man sa takbo ng mga pangyayari ngayon ay hindi mo kailangang panghinaan ng loob. Samantalahin ang dalang swerte ng panahon na ito para sa iyong sariling­ interes. Lucky number for today: 25

CAPRICORN (December 22-January 19) – Maaaring minsan ay naiisip mo na dahil sa iyong galing at talino ay nakakasakit ka ng iba ng ‘di sinsadya. ‘Wag kang mag-alala dahil sa pagkakataon na ito ay magiging isa kang malaking biyaya sa kanila. Lucky number for today: 36

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More