Una sa Balita

Horoscope 02/15/2020

0 382

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ito na ang panahon para maipamalas mo ang iyong angking galing. Ang akala mo na ma­laking pagsubok ay isa palang napakagandang oportunidad para sa’yo. Lucky number for today: 40

PISCES (February 19-March 20) – Panga­lagaan ang iyong panga­ngatawan at kalusugan. Komunsulta agad sa eksperto kung may kakaibang nararamdaman, ‘wag mong balewalain ang mga ito. Lucky number for today: 13

ARIES (March 21-April 19) – Natural lang sa tao ang magkamali at mabigo. Basta ang mahalaga, sa bawat pagkakamali o pagkabigo ay may bago kang natututunan. Lucky number for today: 27

TAURUS (April 20-May 20) – Mapapagod ka kung patuloy mong aakuin lahat ng responsibilidad sa mundo. Gagaan ang pakiramdam mo kung hahayaan mo sila na magdesisyon sa ibang bagay. Oras na para ma­ging carefree at i-enjoy ang buhay. Lucky number for today: 35

GEMINI (May 21-June 20) – Tama lang na unahin mo naman muna ang sariling interes ngayon. Panindigan ang desisyon kahit pa may mga hindi sumasang-ayon. Lucky number for today: 14

CANCER (June 21-July 22) – Hindi masama ang tumulong at magbigay pero siguruhin na may matitira sa sarili. May tamang oras at pagkakataon ang pagtulong. Lucky number for today: 24

LEO (July 23-August 22) – Bawasan ang sob­rang pagkabilib sa sarili. May mga pagkakataon na maaari ka pa rin magkamali. Iwasan ang padalos-dalos na pagdedesisyon. Mas makabubuti na pag-aralang mabuti ang mga gagawin, ‘slowly but surely’ ika nga nila. Lucky number for today: 10

VIRGO (August 23- September 22) – Hindi mo namamalayan na kusang naayos ang mga bagay na bumabagabag sa’yo. Senyales ito na kailangan mo muna huminto pansamantala para mabigyang atensyon ang ibang bagay. Lucky number for today: 5

LIBRA (September 23-October 22) – Kunin ang pagkakataon na ito para ipakita kung gaano ka kagaling na li­der. Tandaan na ang mahusay na pinuno ay mahusay na tagasunod. Lucky number for today: 28

SCORPIO (October 23-November 21) – Masyado kang na­ging abala na patunayan ang iyong sarili. Nakamit mo na ang respeto at paghanga na iyong gusto. Panahon na para bigyan mo naman ng atensyon at oras ang iyong sarili. Lucky number for today: 33

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Nagbubunga na ang iyong sakripisyo sa trabaho man o sa paaralan. Darating na ang pagkakataon na matagal mo ng inaasam. Lucky number for today: 49

CAPRICORN (December 22-January 19) – Umiwas sa mga bagay na maaaring simulan ng away sa pagitan ng iyong minamahal. Manatiling kalmado para maging maayos ang hinaharap na suliranin. Lucky number for today: 17

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More