Una sa Balita

Horoscope 02/13/2020

0 239

AQUA­RIUS (Janua­ry 20-Feb­ruary 18) – Ito ang tamang panahon na gawin ang mga ninanais mo nitong mga nagdaang araw. Merong mga bagong kaibigan ang makikilala.Lucky number for today: 20

PISCES (February 19-March 20) –Kaila­ngang kontrolin ang labis na kasiyahan at paggastos ng pera. Magtabi para sa mahahalagang gastusin. Lucky number for today: 39

ARIES (March 21-April 19) – Hindi lahat ng iyong pinapangarap ay magkakatotoo. Tingnan ang mga mabubuting pangyayari sa iyong buhay at makuntento kung ano ang meron ka. Lucky number for today: 14

TAURUS (April 20-May 20) – Huwag pansinin ang kanilang mga sinasabi na ikaw ay umaasa lamang. Maniwala sa iyong sarili na magtatagumpay ka sa huli. Lucky number for today: 24

GEMINI (May 21-June 20) – Ang iyong pananaw tungkol sa isyu sa lipunan ay magbabago sa mga darating na araw. Makinig sa mga taong mas nakakaalam. Lucky number for today: 18

CANCER (June 21-July 22) – Makikita ang malaking pagbabago na parating tungkol sa iyong trabaho. Huwag mag-alala sa pagbabagong magaganap maging positibo sa anumang oras. Lucky number for today: 11

Related Posts

LEO (July 23-August 22) – Huwag damdamin ang mga negatibong sinasabi tungkol sa iyo. Kailangang baguhin ang mga negatibong komento sayo para sa ikabubuti ng iyong pagkatao. Lucky number for today: 36

VIRGO (August 23-September 22) – Dapat ay pagplanuhang mabuti ang iyong budget para sa iniisip na proyekto. Nasa tama kang landas kailangang magpatuloy. Lucky number for today: 23

LIBRA (September 23-October 22) –Madali silang mapapasunod sa mga gusto mo sa araw na ito. Kailangan lang na maging ma­buting halimbawa ka sa kanila. Lucky number for today: 40

SCORPIO (October 23-November 21) – Dahil malakas ang iyong katawan at kaya ang mga trabaho ay kailangan mo ring magpahinga. Hayaan ang iba na gumawa ng ibang bagay para sayo.Lucky number for today: 31

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Merong mga taong nais lumapit at makipagkaibigan sayo. Maging maingat lamang alamin ang kanilang tunay na pakay. Lucky number for today: 34

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kailangang buksan ang iyong isip sa anumang sitwasyon. Dapat ay malaman ang ugat ng problema para masulusyunan ito agad.Lucky number for today: 9

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More