Una sa Balita

Horoscope 02/13/2018

0 442

ARIES (March 21-April 19) – Paborableng araw ito para magpa-impress sa iyong special someone. Pinapaboran din ang mga naghahanap pa lamang ng ka-Valentine. Ibuhos ang iyong karisma at i-enjoy ang espesyal na araw na ito ng pag-ibig. Lucky number for today: 4.

TAURUS (April 20-May 20) – Posibleng isang planong may kinalaman sa iyong lovelife ang malihis. Makiayon lamang sa pangyayari at huwag na munang kumontra. Hindi mo gugustuhing magtampo ang iyong mahal. Lucky number for today: 33.

GEMINI (May 21-June 20) – May special na mensahe mula sa taong nagmamahal sa iyo. Sorpresa kaya ang hatid nito? Hindi rin masamang ikaw ang magbigay ng sorpresa sa iyong special someone. Lucky number for today: 36.

CANCER (June 21-July 22) – Kung naghahanap ka ng oportunidad para mas mapalalim ang iyong relationship, gawin ito ngayon. Samantalahin ang espesyal na araw na ito para mag-level up sa iyong lovelife. Lucky number for today: 22.

LEO (July 23-August 22) – Maaaring maghatid ng kaba ang isang special date at ito’y dahil sobrang espesyal ang taong pinag-uukulan mo ng pagmamahal. Bago man o matagal na ang relasyon, ang araw na ito ay para sa iyo at sa iyong mahal. Lucky number for today: 50.

VIRGO (August 23-September 22) – Mag-enjoy sa mga sorpresang hatid ng araw na ito. Gawin ang lahat para mag-improve ang iyong relasyon. Kung may naging tampuhan o pagkakalamigan sa mga nagdaang araw, ngayon ang pagkakataon para makabawi. Lucky number for today: 39.

LIBRA (September 23-October 22) – May oportunidad ka ngayon para patatagin ang iyong relasyon. Malalimang pakikipag-usap ang kailangan. Heart-to-heart talk para sa Hearts Day. Lucky number for today: 38.

SCORPIO (October 23-November 21) – Nasa malayo man o malapit ang iyong mahal, magi­ging espesyal ang araw na ito. Kaya gaano ka man kaabala, bigyan ng extra effort ang iyong partner. Lucky number for today: 28.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Sa mga single na takot pang pumasok sa relasyon, isang kaibigan ang biglang magpapalakas ng tibok ng iyong dibdib. Hindi masamang ikonsidera na oras na para buksan ang iyong puso. Lucky number for today: 50.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Huwag agad husgahan ang iyong mahal. Posibleng naghihintay lamang siya ng tamang pagkakataon. Dagdagan pa ang pang-unawa. Lucky number for today: 40.
AQUARIUS (January 20-February 18) – Pang-unawa ang hinihintay ng iyong partner. Iwasan munang maging demanding. Sa halip, ipakitang mainit pa rin ang iyong pagmamahal. Lucky number for today: 55.

PISCES (February 19-March 20) – Kung hindi umubra ang isang pinaplano mo na may kaugnayan sa iyong lovelife, marami pang alternatibo. Samantalahin ang mabubuksang oportunidad sa espesyal na araw na ito. Lucky number for today: 33.