Una sa Balita

Horoscope 02/12/19

0 417

ARIES (March 21-April 19) – Isang bahagi ng iyong kabataan na nagdulot sa iyo ng sakit ang mauungkat. Kakailanganin mo nang tuluyang magpatawad hindi lamang sa taong nakasakit sa iyo kundi pati sa sarili mo. Ang kapatawaran ang tanging magpapalaya sa iyo. Lucky number for today: 5 

TAURUS (April 20-May 20) – Masusubok ngayon ang iyong lea­dership skills. Kaila­ngan ng iyong kaibigan o posibleng isang kaanak ang iyong buong suporta. Ikaw ang tatayong tagapamagitan para maayos ang gusot. Lucky number for today: 17 

GEMINI (May 21-June 20) – May pagkakataon ka ngayon para ilatag ang mga kakailanganin mong pundasyon para sa mga pangarap mo sa hinaharap. Ngayon na ang u­nang hakbang. ‘Wag nang ikonsidera ang pag-atras. Lucky number for today: 31 

CANCER (June 21-July 22) – Hanggang kailan ka mangangarap? Hindi ito magkakaroon ng katuparan kung wala kang aksyon na ginagawa. Kung may pagbibiyaheng gustong gawin, umpisahan na ang pagpaplano para magkatotoo ito. Lucky number for today: 11 

LEO (July 23-August 22) – Ngayon malapit na ang Valentine’s Day, kailangan mo rin ng heart to heart talk sa iyong mahal. Muling ibalik ang init ng relas­yon. Kung single ka pa, maraming available sa paligid na maaaring hindi mo lamang napag-uukulan ng sapat na pansin. Lucky number for today: 47 

VIRGO (August 23- September 22) – Isang taong bahagi ng iyong nakaraan ang bibisita. Kailangang mag-ingat upang hindi muling masaktan. Mas mabuti nang umiwas habang maaga. Lucky number for today: 39 

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Alamin kung saan mo dapat ilagay ang sarili mo. Hindi dapat umeksena sa mga sitwasyong hindi ka naman tunay na involved. May mga natatambak na gawain na dapat nang pag-ukulan ng pansin. Lucky number for today: 51 

SCORPIO (October 23-November 21) – Ang kawalan ng tiwala sa mga kasamahan, partikular sa trabaho, ang magpapahirap sa iyo. Ibigay muna ang iyong kooperas­yon bago kumontra. Malaking bagay ang teamwork para magtagumpay. Lucky number for today: 1

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Matagal mo nang ikinukonsidera ang pagbabago sa iyong lifestyle. Ang iyong partner ang magiging daan para tuluyan kang makumbinsi. May malaki rin itong maitutulong para sa iyong career. Lucky number for today: 2

CAPRICORN (December 22-January 19) – Muli kang mapapalapit sa ilang indibidwal na bahagi ng iyong nakaraan. Sila rin ang magiging koneksyon mo sa isang pinag-iisipang career move. Pag-aralan ang lahat ng posibilidad. Lucky number for today: 56

AQUARIUS (January 20-February 18) – Nakapokus ka ngayon sa pinansyal na aspeto ng anumang pinagkakaabalahan mo. Hindi ito matatawag na pagi­ging gahaman sa halip ay nag-uumpisa ka nang mag-isip tulad ng isang negosyante. Lucky number for today: 37

PISCES (February 19-March 20) – Wala kang dapat ihingi ng paumanhin o katawaran kung ang ipinaglalaban mo lamang ay iyong karapatan. Pinapaboran din ngayon ang aspeto ng pakikipagkomunikasyon. Hindi masamang sabihin ang iyong saloobin. Lucky number for today: 54

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy