Una sa Balita

Horoscope 02/07/2019

0 356

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang makagawa ng anumang bagay na hindi mo karaniwang ginagawa. Posibleng masobrahan ka at malagay ka sa isang nakakahiyang sitwasyon. May limitasyon maging ang mga inaakala mong pagbibiro lamang. Lucky number for today: 40

TAURUS (April 20-May 20) – Kung nakakaramdam ka ng pagdududa, posibleng paraan ito ng iyong subconscious para iparamdam na may kaila­ngan kang alamin. Dumistansya muna sa mga ingay at distraksyon at pag-aralang mabuti ang iyong kutob. Lucky number for today: 38 

GEMINI (May 21-June20) – May mga bagay na hindi agad nakikita at hindi rin naman sinasabi sa iyo. May mga clues sa paligid pero kailangan mong magpokus para makita ito. Doblehin ang pagmamasid. Lucky number for today: 10 

CANCER (June 21-July 22) – Pag-aralan mo ang sitwasyon. Maaring ang inaakala mong posisyon o pana­naw mo ay hindi sa iyo kundi idinikta lamang ng ibang tao. Makabu­buting manaig ang iyong sariling kalooban. Lucky number for today: 42 

LEO (July 23-August 22) – Hindi mo kaila­ngan ang approval ng ibang tao para gawin ang isang aksiyon. Alam mo kung ano ang gusto mo at higit na makabubuti para sa iyo. Sundin ito kahit taliwas pa ito sa kagustuhan ng iba. Lucky number for today: 58 

VIRGO (August 23- September 22) – Masyado kang organisado at posibleng maging isyu ito para sa ibang tao. Igiit ang iyong kagustuhan at hindi mo kailangang makigaya sa estilo ng iba para lamang mapasaya sila. Lucky number for today: 22 

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Manatiling kalmado at nakapokus sa iyong tina-target. May distraksyon sa paligid at kung hindi ka magkokontrol, maaantala ang anumang inumpisahan mo. Piliin ang iyong prayoridad. Lucky number for today: 11

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung may mag-alok sa iyo ng isang deal, pag-isipan muna itong mabuti bago tanggapin. Sa una ay posibleng maganda itong tingnan pero hanapin kung nasaan ang catch na posibleng maging disadvantageous para sa iyo. Lucky number for today: 5 

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Isang mahal sa buhay ang nagiging malamig sa kanyang pakikitungo sa iyo. Posibleng may nasabi kang hindi maganda. Kung wala kang ideya, hindi masamang tanungin siya. ‘Wag nang hinta­ying tumagal pa ang tensyon. Lucky number for today: 18

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kalma muna at maghinay-hinay sa mga ginagawa. Sa sobrang kaabalahan ay nakakaligtaan mo na ang iyong kalusugan. Alalaha­ning ang lahat ng sobra ay nakakasama. Lucky number for today: 22 

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi masamang ipakita ang iyong pagiging aggressive pero iwasang makasakit ng damdamin ng iba. Sa kagustuhan mong matapos agad ang mga proyekto, maaring nakakalimutan mo nang kailangan ding ikonsidera ang emosyon ng iba. Lucky number for today: 55 

PISCES (February 19-March 20) – Mahirap makasundo ngayon ang isa sa iyong mga kaibigan. Kailangan mo munang dumistansya para hindi kayo tulu­yang magkasira. Iwasan ding patulan ang kanyang mga pa­tutsada na posibleng dala lamang ng ma­tinding pressure. Lucky number for today: 14

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy