Una sa Balita

Horoscope 02/07/2018

By
0 465

ARIES (March 21-April 19) – Huwag kaligtaan ang kalusugan. Iwasan din munang bumili ng mga hindi naman masyadong kaila­ngan. Hindi lahat ng bargain ay mapapakinabangan mo. Lucky number for today: 26

TAURUS (April 20-May 20) – Isang kaibigan ang magi­ging tagapaghatid ng magandang balita. Gayunpaman, posibleng masubukan ang pasensya mo dahil sa isang taong masyadong demanding. Lucky number for today: 39

GEMINI (May 21-June20) – Ang ibinibigay mong pagmamahal ay naa-appreciate. Huwag lang masyadong sobrahan dahil nakakasakal ang sobrang atensyon. Bigyan ng espasyo ang iyong mahal. Lucky number for today: 1

CANCER (June 21-July 22) – Isang hindi pangkaraniwang pangyayari ang biglang darating at maaaring makagulo sa maayos na takbo ng iyong buhay. Maging handa sa mga pagbabagong ihahatid nito. Lucky number for today: 13

LEO (July 23-August 22) – Nasa pagbabago ang susi ng araw na ito. Maraming pagsubok ang parating at hindi lahat ng subok na ay uubra. Kailangan mo nang mag-adjust. Lucky number for today: 12

VIRGO (August 23- September 22) – Masyado kang nasasakal sa isang sitwasyon. Matutong magsabi ng “hindi” kung talagang ayaw mo. Hindi uubra ang palaging sunud-sunuran. Lucky number for today: 10

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Halos tanaw mo na ang tagumpay. May mga pagdududa rin sa paligid pero ‘wag silang pakinggan. Siguraduhin mo lamang ang mga impormsyong hawak mo para maiwasan ang aberya. Lucky number for today: 9

SCORPIO (October 23-November 21) – Isang misteryosong indibidwal ang magi­ging sentro ng iyong atensyon. Bago tulu­yang mahulog ang loob, kilatisin munang mabuti ang taong ito. Lucky number for today: 38

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Hindi ka dapat ma-guilty kung wala ka namang ginawang masama. Huwag masyadong paapekto sa drama ng ibang tao. Lucky number for today: 39

CAPRICORN (December 22-Ja­nuary 19) – Siguraduhin ang iyong mga prayoridad sa buhay. Maaaring nakakaligtaan mo na ang iba. Bago sila tuluyang mawala sa iyong kamay, bigyan sila ng sapat na atensyon. Lucky number for today: 20

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Ang nakaraan ay nakaraan na. Magpokus sa kasalukuyan dahil ito lamang ang daan para makamit ang mga pangarap mo sa hinaharap. Oras na para ganap na mag-move on. Lucky number for today: 2

PISCES (February 19-March 20) – Isang bagong kakilala ang pagmumulan ng malaking isyu sa iyong buhay. Bago tuluyang magpaapekto, balikan sa isip at pa­katandaan ang iyong mga plano. Hindi mo kailangan ng bagong distraksyon. Lucky number for today: 53