Una sa Balita

Horoscope 02/06/20

0 395

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi mo kaaway ang buong mundo. Ang nararamdaman mo ay lilipas din maging mahinahon lamang sa mga ganitong sitwasyon. Lucky number for today: 17

PISCES (February 19-March 20) – Iwasan ang mga taong hindi nagbibigay ng inspirasyon sa iyo. Pag-aralan mabuti ang pagtayo sa sariling paa at gawing positibo ang pananaw sa buhay. Lucky number for today:33

ARIES (March 21-April 19) – Kailangan mo ng mga kasama para sa mga aktibidad sa ikauunlad ng iyong propesyon. Ang iyong trabaho ay dapat higit pa sa iyong inaasahang kita. Lucky number for today: 10

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi maiiwasan ang mga pangyayari na ayaw mong maranasan sa iyong buhay. Kailangan lang ma­ging bukas ang isipan na hara­pin ang mga ganitong kaganapan. Lucky number for today: 23

GEMINI (May 21-June 20) – Kailangan ng pagbabago sa iyong buhay. Piliin lamang ang mga importanteng gawain para maiwasan ang sobrang pagkapagod. Lucky number for today: 18

CANCER (June 21-July 22) – Nararamdaman mo na hindi pinahahalagahan ng mga kasama ang iyong mga ginagawa. Huwag magpaapekto gumawa ng mga bagay na makakapagpasaya sa iyo. Lucky number for today: 27

LEO (July 23-August 22) – Hindi lahat ay kayang pagbigyan ang kanilang nais.Merong mga bagay na puwedeng maging posible kaila­ngan mo lang maniwala na kaya mo. Lucky number for today: 31

VIRGO (August 23-September 22) – Tingnan ang iyong mga aktibidad ngayong araw na ito. Dapat ay gawing simple ang buhay upang makapaglaan ng oras para sa sarili.Lucky number for today: 8

LIBRA (September 23- October 22) – Merong mga taong susubukan ang iyong kakayahan. Ipakita ang iyong pinakamahusay sa anumang larangan na iyong napili. Lucky number for today: 40

SCORPIO (October 23- November 21) – Gawing mas madali ang mga pagbabagong ginawa mo sa iyong buhay nitong pagsisimula ng taon. Kailangan balikan ang ibang trabaho na hindi natapos. Lucky number for today: 11

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Gamitin ang iyong mga salita sa isang responsableng pamamaraan. Alalahanin mo na hindi mo kailangang manalo sa bawat debate. Lucky number for today: 16

CAPRICORN (December 22-January 19) – Gawin ang sa tingin mo ay tama. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang iyong mga kasamahan ay mali. Lucky number for today: 24

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More