Una sa Balita

Horoscope 02/03/2020

0 344

AQUARIUS (January 20-February 18) – ­Nandito na ang pagkakataon na matagal mo ng ­inaasam. Ihanda mo na ang iyong puso at isipan sa mga magagandang mangyayari. Lucky number for today: 10

PISCES (February 19-March 20) – Normal lang na minsan ay panghinaan ka ng loob. ‘Wag kang mag-alala dahil hindi magtatagal ay may darating na magbabalik ng sigla mo sa buhay. Lucky number for today: 3

ARIES (March 21-April 19) – Kailangan mong mamagitan sa dalawang taong malapit sa ‘yo. Ikaw lang ang makakapag-ayos ng gusot na ito. Tulungan sila na maintindihan ang opinyon ng bawat isa. Lucky number for today: 44

TAURUS (April 20-May 20) – Malapit ng magbunga ang lahat ng iyong sakripisyo. Mapapahanga mo ang lahat ma­ging ang mga taong bumabatikos sa iyong kakayahan. Lucky number for today: 20

GEMINI (May 21-June 20) – May ­darating na oportunidad sa ‘yo nga­yon para magamit mo ang iyong talento at galing. Wala ng pangalawang pagkakataon kaya ‘wag mong sayangin ito. Lucky number for today: 6

CANCER (June 21-July 22) – ­Mababawasan ang iyong gastusin at magiging magaan ang pasok ng pera sa mga darating na araw. Simulang mag-ipon para may madudukot kung kinakailangan. Lucky number for today: 38

LEO (July 23-August 22) – Bigyan ng ­panahon at oras ang mga taong mahalaga sa ‘yo. Walang ­halaga ang yaman at tagumpay kung wala kang kasama sa ­buhay. Lucky number for today: 50

VIRGO (August 23-September 22) – ­Isa-isa mong gawin ang mga bagay na gusto mo. ­Makakatulong ang pag-gawa ng listahan para matupad ang mga ito. Lucky number for today: 22

LIBRA (September 23-October 22) – ­Maganda ang panahon na ito sa ‘yong career o ­pag-ibig man. Simulan mo ng kumilos para mangyari na ang mga bagay na inaasam. Lucky number for today: 9

SCORPIO (October 23-November 21) – Ito na ang panahon para pagbigyan ang mga tao sa gusto nila. Minsan maraming naidudulot na maganda ang pagtulong sa iba. Lucky number for today: 25

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Alam mo sa ‘yong sarili na kaya mong maging mas matagumpay. May makikilala ka na magbibigay ng inspirasyon para simulang gawin ito. Lucky number for today: 16

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi ito ang panahon para maging logical. ­Siguradong hindi ka mapapahamak kung susundin mo ang iyong instinct sa pagkakataon na ito lalo na sa aspeto ng ­pag-ibig. Lucky number for today: 23

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More