Una sa Balita

Horoscope 02/02/2020

0 379

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Walang masama na magkaron ng mataas na ambisyon sa iyong buhay. Gamitin ito para maging inspiras­yon na pagbutihin ang iyong pag-aaral o maging sa iyong trabaho. Lucky number for today: 8

PISCES (February 19-March 20) – Ito na ang panahon para sa sarili. Walang masama kung mag-relax at mag-enjoy ng mag-isa. Lucky number for today: 26

ARIES (March 21-April 19) – ‘Wag mong hayaang apakan Ang iyong pagkatao. tandaan mo walang mang-aabuso Kung walang nagpapaabuso. Bigyang halaga ang iyong sarili. Lucky number for today: 23

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi mo kayang tulungan ang lahat ng tao. May pagkakataon na ang hindi pagtulong ang kaila­ngan nila para matuto. Lucky number for today: 1

GEMINI (May 21-June 20) – Bigyan ng atensiyon ang ibang aspeto ng iyong buhay. Walang masama kung mabagal mo mang sinusuri ang mga bagay. Lucky number for today: 26

CANCER (June 21-July 22) – Makakabuti sa iyo ang mapag-isa sa ngayon. Pag-isipan ang lahat ng mga nangyayari sa iyong paligid. Lucky number for today: 41

LEO (July 23-August 22) – May darating na isang malaking oportunidad sa iyo. ‘Wag mong hayaang makalagpas ang pagkakata­on na ito. Gawin ang dapat sa tamang pagkakataon. Lucky number for today: 9

VIRGO (August 23-September 22) – Magbabalik ang bagay na akala mo ay nawala na sa iyo. Ito na ang pagkakataon para magkaroon ng bagong perspektibo sa buhay. Lucky number for today: 32

LIBRA (September 23-October 22) – Suriin mong mabuti ang anumang bagay Ang bumabagabag sa iyo. Makakahanap ka ng ibang solusyon na wala Kang kailangan na isakripisyo. Lucky number for today: 18

SCORPIO (October 23-November 21) – Maaring may nararamdaman kang kakaiba pero ‘wag mong hayaang mawala ang iyong pokus. May isang tao na naghihintay sa iyong desisyon. Lucky number for today: 7

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kaila­ngan mo ng bagong paraan para maayos ang iyong kalusugan. Kahit ano pa ito, sigurado ang pagganda ng iyong nararamdaman. Lucky number for today: 34

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kahit gaano man kalaki ang pumapasok sa iyong pera balewala ito kung hindi ka organisado. Lucky number for today: 54

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More