Una sa Balita

Horoscope 02/01/2020

0 367

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi mo kailangan na pilitin ang mga kasamahan na maniwala sa iyong opinyon. Ibigay ang iyong buong atensi­yon sa trabaho sa araw na ito. Lucky number for today: 42

PISCES (February 19-March 20) – Huwag mag-alala kung mailap ang suwerte sa araw na ito. Ang mga darating na araw ay magbabago at ang suwerte ay kusang lalapit sa iyo. Lucky number for today: 11

ARIES (March 21-April 19) – Merong mga bagay na sinubukan mo pero hindi nagtagumpay. Ang linggong ito ang magbibigay ng bagong pag-asa na magawa ito na posible. Lucky number for today: 22

TAURUS (April 20-May 20) – Sabihin sa mahinahong paraan ang pakikipag-usap sa mga kasamahan. Kaila­ngan din nilang malaman ang mali nilang ginagawa upang mapabuti sila. Lucky number for today:16

GEMINI (May 21-June 20) –Sinasabihan ka man nila tungkol sa iyong pagkakamali ay hindi dahil gusto ka nilang siraan. Gusto ka nilang matuto at itama ang mga pagkakamali mo. Lucky number for today: 20

CANCER (June 21-July 22) – Mag-i­ngat sa mga taong malapit sa iyo. Kaila­ngang alamin ang anumang dahilan ng kanilang ginawa para mabigyan pa ng isang pagkakataon. Lucky number for today: 6

LEO (July 23-August 22) – Huwag ipahalata sa mga kasamahan ang sobra mong pag-aalala. Ngumiti at maging positibo sa pagharap sa buhay. Lucky number for today: 25

VIRGO (August 23- September 22) –Hindi maitatago na ang mundo ay malaki at magulo. Kailangan na harapin ang mga pagsubok ito ay magtuturo ng mga bagong aral sa buhay mo. Lucky number for today: 9

LIBRA (September 23- October 22) – Kalimutan muna na makuha ang inaasam na tagumpay sa iyong trabaho. Gumawa ng bagay gamit ang iyong pagiging malikhain. Lucky number for today: 30

SCORPIO (October 23- November 21) – Hindi mo maitatago ang damdamin sa iyong minamahal. Mapapansin ng ibang tao ang kakaiba mong saya kapag kasama mo siya. Lucky number for today: 14

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Mag-ingat sa mga taong nakakausap sa araw-araw. Mapalad ka may kakayahan kang maramdaman ang taong nais manloko sa iyo. Lucky number for today:35

CAPRICORN (December 22-January 19) – Lumabas sa mundong iyong naka­sanayan. Subukan ang mga bagong pamamaraan para sa iyong mabilis na pag-unlad. Lucky number for today: 28

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More