Una sa Balita

Horoscope 01/31/2020

0 337

AQUARIUS (January 20-February 18) – Iwasan ang sobrang pag-aalala sa mga mahal sa buhay. Maging positibo ang pag-iisip upang maging tama ang magiging desisyon. Lucky number for today: 19

PISCES (February 19-March 20) – Kumilos at abutin ang iyong mga pa­ngarap. Maraming pagsubok na pagdadaanan para makamit ito pero magtatagumpay din sa huli. Lucky number for today: 35

ARIES (March 21-April 19) – Huwag kontrolin ang isipan ng mga tao sa paligid mo. Hayaan matuto sila na magdesisyon para sa kanilang sarili gabayan lamang sila. Lucky number for today: 14

TAURUS (April 20-May 20) – Makisalimuha sa iba at makisama sa nakakarami. Hindi nila inaakala na katulad ka rin nila na simple lang ang gusto sa buhay. Lucky number for today: 28

GEMINI (May 21-June 20 – Determinado kang baguhin ang iyong buhay. Ang layunin mong magtagumpay ay nakasalalay sa’yo at hindi ito magiging madali. Lucky number for today: 9

CANCER (June 21-July 22) – Ang araw na ito ay magbibigay sa’yo ng kasiyahan mula sa minamahal. Pinahahalagahan niya ang relasyong meron kayo sa isa’t isa. Lucky number for today: 32

LEO (July 23-August 22) – Hindi masama magkaroon ng oras para sa sarili. Bigyan ang iyong sa­rili na makapaglibang upang makapagbigay ng saya sa iba. Lucky number for today: 21

VIRGO (August 23- September 22) – Marami ang pinag- aalala nitong mga nakaraang araw.Subukang pagtuunan lang ng pansin ang importanteng bagay. Lucky number for today: 15

LIBRA (September 23-October 22) – Maging positibo sa buhay. Maraming biyaya ang darating kung marunong magpasalamat at marunong tumanaw ng utang na loob. Lucky number for today: 24

SCORPIO (October 23-November 21) –Hindi magandang araw ito para magbago ng iyong plano. Maging matalino sa pagpili ng mga tauhan na magtratrabaho para sa’yo. Lucky number for today: 36

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Gawing kapakipakinabang ang mga darating na araw. Darating ang suwerte na hindi mo namamalayan kaya dapat ay kumilos. Lucky number for today: 3

CAPRICORN (December 22-January 19) – Harapin ang problemang dumating sa buhay. Lilipas din ito humingi ng tulong sa mga taong pinagkakatiwalaan. Lucky number for today: 40

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More