Una sa Balita

Horoscope 01/29/20

0 423

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ang suwerte ay dara­ting kung kikilos at sa­samahan ng sipag at tiyaga. Dapat ay pagtuunan ng oras ang gawain para matapos sa tinakdang oras.Lucky number for today: 28

PISCES (February 19-March 20) – Ang pagkakaroon mo ng simpatiya sa kapwa ay magagamit sa araw na ito. Matutulungan sila sa pakikinig at pagbigay ng tulong sa kanilang pangangailangan.Lucky number for today: 42

ARIES (March 21-April 19) –Marami ang matutulungan ang pagiging maabilidad mo. Gamitin ang iyong angking galing sa mabuti at tumulong ng walang hinihintay na kapalit. Lucky number for today: 10

TAURUS (April 20-May 20) – Gawin ang abot ng makakaya na tulungan ang miyembro ng pamilya. Iwa­san na husgahan ang anumang kanilang nagawa.Lucky number for today:31

GEMINI (May 21-June 20) – Mabilis na makaangkop sa pagbabago ng kapaligiran. Ang iyong isipan ay hindi bababa tulad sa mga karaniwang tao. Lucky number for today: 19

CANCER (June 21-July 22) – Hindi mapagtatakpan ang kaibigan sa mali nitong ginawa. Kailangan ipaalala sa kaibigan na ang mali ay dapat itama. Lucky number for today: 22

LEO (July 23-August 22) – Dapat ay ipakita ang totoong pagkatao para pakisamahan ng tapat. Hindi masama na ma­ging mahina sa ibang pagkakataon. Lucky number for today: 36

VIRGO (August 23- September 22) – Kailangang magkapa­tawaran kayong pareho ng iyong karelas­yon. Ang importante ay ang kasalukuyang sitwasyon at kalimutan ang nakaraan. Lucky number for today: 25

LIBRA (September 23-October 22) – Makakamit ang iyong pangarap basta naniniwala ka sa iyong sarili. Simulan mong gumawa para maabot ang iyong mga pangarap. Lucky number for today: 41

SCORPIO (October 23- November 21) – Hindi masama ang humiling lalo na kung para sa kabutihan ang nais. Maging masipag sa anumang trabaho. Lucky number for today: 16

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi ka kumportableng ipakita ang iyong nararamdaman. Isang kapamilya ang hihingi ng tulong at hindi ito matatanggihan. Lucky number for today:12

CAPRICORN (December 22-Janua­ry 19) – Dahil sa mga karanasan ay hindi ka basta sumusuko sa mga pagsubok. Kaya mong gawing posible ang sa tingin nila ay imposible. Lucky number for today:30

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More