Una sa Balita

Horoscope 01/28/2020

0 310

AQUARIUS (January 20-February 19) – Posible ang isang bagong panimula pero hindi ito mangyayari kung hindi mo kayang gawin ang unang hakbang. May kailangan kang bitawan para ganap na makausad. Pagdesisyunan kung kaya mong makipagsapalaran tungo sa tamang direksyon. Lucky number for today: 19

PISCES (February 19-March 20) – Kailangan ang positive attitude. Hindi puwedeng tingnan mo ang baso na kalahati lamang ang laman sa halip na kalahati lamang ay mapupuno na. Magiging mas masaya ka kung positibo lagi. Lucky number for today: 27

ARIES (March 21-April 19) – Kung pagsisikapan mong makisama nang maayos sa mga tao sa iyong paligid, mas marami kang makukuhang benepisyo lalo na sa mga darating pang buwan. Maaaring nag-eenjoy ka sa pagsosolo pero hindi masamang pagbigyan ng pagkakataon ang ibang tao na makasama at makilala ka nang husto. Lucky number for today: 7

TAURUS (April 20-May 20) – Habang itinataas mo ang iyong expectation at itinotodo mo ang effort sa pag-abot nito, mas lumilinaw ang tagumpay. Hindi masamang pagplanuhan kahit ang malayo pang hinaharap. Lucky number for today: 20

GEMINI (May 21-June20) – Mas madali mo lamang malalapitan at makakausap ang mga taong kailangan mo. Naniniwala ang karamihan sa iyong lohika kaya madali mong makuha ang kanilang suporta. Marami ring rumerespeto sa mga payo mo. Lucky number for today: 46

CANCER (June 21-July 22) ­– Mas mahihirapan ka ngayong unawain ang isang malapit na kaibigan o maaaring isang kapamilya. Bago sila tuluyang husgahan, alalahaning lahat ay may kanya-kanyang pinagdaraanan. Lucky number for today: 29

LEO (July 23-August 22)– Ang susi ng ikakatatag ng isang relasyon ay ang pagbibigayan. Alalahaning hindi ikaw ang dapat masunod sa lahat ng pagkakataon. May oras na kailangan mo ring tanggapin ang posisyon ng iyong partner. Lucky number for today: 2

VIRGO (August 23-September 22)- Dag­dag na pagsisikap ang kailangan para mailagay mong muli sa iyong kontrol ang mga trabahong dapat mong gawin. Hindi ka puwedeng mag-relax kung hanggang leeg pa ang iyong mga dapat gawin. Magbuhos muna ng ibayong pokus. Lucky number for today: 22

LIBRA (September 23- October 22) – May pagkakataon kang gawin ang isang gusto mo pero isipin muna kung aangkop ito sa nakaka­rami. Posibleng pagsasayang lamang ng oras ang gagawin mo kaya mag-isip nang makailangang ulit. Lucky number for today: 43

SCORPIO (October 23-November 21) – Kailangan mo ngayong maging matatag sa pag­dedesisyon lalo na sa isyung may kinalaman sa pamilya. Hindi lahat ay nakikipagtulungan kaya magiging mapanghamon ang araw na ito. Lucky number for today: 10

SAGITTARIUS (November 22-December 21)– ‘Wag nang pagsayangan ng oras ang pagkainis o pagkairita sa mga taong bumigo sa iyo. Marami kang dapat gawin para makabawi kaya dedma muna sa emosyon. Lucky number for today: 15

CAPRICORN (December 22-January 19)– Kung ano ang meron ay pagkasyahin. Mahihirapan ka kung iisipin mo pang manghiram sa iba. Saka na gawin ang planong paggastos kapag sapat na ang pondo mo. Lucky number for today: 32

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More