Una sa Balita

Horoscope 01/27/20

0 322

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mas matalas ka ngayong mag-isip. Samantalahin ang pagkakataong ito para sa isang seryosong plano na matagal mo nang ikinukonsidera. Dumating na ang tamang panahon. Lucky number for today: 12

PISCES (February 19-March 20) – Naniniwala kang walang kapalpakang magaganap dahil lahat ay napaghandaan mo. Pero alalahanin kahit ang isang pinakaiingatang plano ay puwedeng pasukin ng aberya. Maging alerto. Lucky number for today: 5

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ka madaling makumbinsi kahit ng ilang taong nag-aakalang matagal ka na nilang kilala. Madali mo ring makilatis kung sino ang nagiging totoo sa iyo. Patuloy na magtiwala sa iyong kutob. Lucky number for today: 3

TAURUS (April 20-May 20) – Isang matagal mo nang gustong makuha ang halos abot-kamay mo na. ‘Wag na munang isipin ang iba dahil sa pagkaka­taong ito, kailangan mo munang unahin ang sarili. Lucky number for today: 57

GEMINI (May 21-June 20) – Mas madali mong makumbinsi ang mga tao sa iyong paligid ngayon. Kung sadyang determina­do ka, mapapasunod mo ang mga tao sa iyong ideya. Lucky number for today: 56

CANCER (June 21-July 22) – Hindi masamang ulitin ang isang estratehi­ya kung nakakatulong ito sa iyo. Pero ‘wag matakot sumubok sa mga bago lalo na kung alam mong makakatulong ito sa iyo. Madali mo lamang itong matututuhan. Lucky number for today: 13

Related Posts

LEO (July 23-August 22) – Masyado kang aware sa mga nangyayari sa iyong paligid. Marami ang humihingi ng iyong payo. Tumulong pero ‘wag ipangako ang mga bagay na imposible mong maibigay. Lucky number for today: 41

VIRGO (August 23- September 22) – Madali lamang sabihin ang mga gusto mong sabihin lalo na at alam mong nasa tama ka. Pero maraming tao ang puwedeng masaktan kasama na ang iyong mga mahal. Kailangan mong bumalanse. Lucky number for today: 34

LIBRA (September 23-October 22) – Nagkakasabay-sabay ang mga pangyayari sa paligid kaya nahihirapan kang magpokus. Pero sa pagkakataong ito hindi masamang mag-enjoy ka muna. May tamang oras para magseryoso. Lucky number for today: 16

SCORPIO (October 23-November 21) – Balikan sa isip ang mga nagawa mo sa nakaraang taon at gumawa ng ilang adjustment na kinakaila­ngan. May kailangan ka nang bitawan. Lucky number for today: 20

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Magpokus sa bigger picture at ‘wag na munang pansinin ang mga maliliit na detalye. Mas pinahihirapan mo lamang ang iyong sarili sa labis na pag-aalala. Lucky number for today: 32

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ikonsidera ang lahat ng opsyon. Kailangan mong makatiyak bago magdesisyon at umaksyon. Mas makakaungos ka sa iyong mga katunggali. Lucky number for today: 19

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More