Una sa Balita

Horoscope 01/23/2020

0 303

AQUARIUS (January 20-February 18) – Madaling matatapos ang anumang gawain kung magiging masipag at matiyaga.Iwasan ang anumang bagay na makakaabala sa iyong trabaho. Lucky number for today: 11

PISCES (February 19-March 20) – Huwag pansinin ang anumang sinasabi nila tungkol sa’yo. Ipagpatuloy na abutin ang iyong mga pangarap. Lucky number for today: 35

ARIES (March 21-April 19) – Magiging masigasig sa pagtratrabaho sa linggong ito. Ang lahat ng ito ay magbubunga at magkakaroon ng promosyon sa trabaho. Lucky number for today: 19

TAURUS (April 20-May 20) – Huwag pasisindak sa taong gustong umagaw sa iyong posisyon. Ikaw ang nararapat na maging mabuting pinuno at sinusubukan lang nila ang iyong kakayahan. Lucky number for today: 22

GEMINI (May 21-June 20) – Kailangang ma­ging bukas ang iyong isipan sa mga pangyayari sa iyong buhay. Maaaring ang iba ay magaganap sa iyong kagustuhan at ang iba naman ay hindi. Lucky number for today: 37

CANCER (June 21-July 22) – Magkakaroon ng oras para mamasyal na kasama ang iyong mahal sa buhay. Gawing makabuluhan at masaya ang pagkakataon na ito. Lucky number for today: 44

Related Posts

LEO (July 23-August 22) – Mapapasagot ng oo sa isang kasunduan ang taong kausap. Dapat lang na ipakita na totoo ang mga iyong sinasabi. Lucky number for today: 14

VIRGO (August 23-September 22) – Panatilihing simple lang ang mga bagay at iwasan ang sobrang pag-iisip. Ang mahalaga ay hindi mawala ang tiwalang binibigay nila sayo. Lucky number for today: 39

LIBRA (September 23-October 22) – Nabigo ka man noong nagdaang linggo ay may bagong uma­ga para magsimula muli. Magpasalamat sa mga biyayang natatanggap. Lucky number for today: 17

SCORPIO (October 23-November 21) – Kontrolin ang iyong emosyon maging mahinahon. Ipakita sa kanila na madali kang lapitan at kayang una­wain ang sitwasyon. Lucky number for today: 41

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Inuuna mo ang iyong tungkulin bago ang anumang kasiyahan. Puwede rin namang magkaroon ng oras para sa sarili. Lucky number for today: 28

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kailangang harapin ang usapin tungkol sa pana­nalapi. Dapat ay magtipid mula sa paggastos sa mga nagdaang araw. Lucky number for today: 7

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More