Una sa Balita

Horoscope 01/23/2019

0 509

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang umaktong pa-‘victim’ sa halip ay tanggapin kung ano ang natutuhan sa iyong karanasan. Ang tiwala ay hindi basta ibinibigay. Makikita mo ngayon ang mga itinatagong motibo ng ilang tao sa iyong paligid. Lucky number for today: 51

TAURUS (April 20-May 20) – Ang lahat ng pinagsikapan mo sa mga nagdaang araw ay magbubunga na. Patuloy pang magtiwala sa iyong kakayahan at mas malayo ang iyong mararating. Bigyan din ng atensyon ang kalusugan. Lucky number for today: 2

GEMINI (May 21-June20) – Bigyan din ng panahon ang meditasyon at espirituwal na panga­ngailangan. Dumistansya muna sa mga ingay at pagsasaya. Makakapaghintay ang mga kaibigan. Lucky number for today: 22

CANCER (June 21-July 22) – May silver lining para sa iyo. Lahat ng gusto mong makamit ay magkakaroon ng katuparan. Patuloy lamang magtiwala sa iyong kakayahan at ibuhos pa ang kinakaila­ngang effort. Hindi ipagdadamot ang suportang kinakailangan mo. Lucky number for today: 57

LEO (July 23-August 22) – Sa isang relasyon, ang distansya ay wala sa layo ng kinalalagyan mo. Kahit kasama mo lagi ang iyong partner kung wala naman sa kanya ang atensyon mo, daig mo pa ang nasa malayo. Bigyan ng sapat na atensyon at panahon ang iyong lovelife. Lucky number for today: 18

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi lahat ng pagka-delay at mga aber­yang nararanasan mo ay negatibo. Minsan ay sinasadya ito upang mahintay ang isang mas importanteng pangyayari. Habaan pa ang pasensya. Lucky number for today: 40

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May pagkakataon na ang tunay mong kalaban ay ang iyong sarili partikular kung pinagdududahan mo ang iyong kakayahan. Burahin ang anumang pangamba. Ibuhos ang effort at hindi ka magkakamali.Lucky number for today: 31

SCORPIO (October 23- November 21) – Lahat ng aberya ay malalagpa­san mo. Nasa tamang posisyon at direksyon ngayon ang buhay mo. Maraming parating na oportunidad na hindi mo dapat saya­ngin. Lucky number for today: 14

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung binabago mo ang iyong direksyon, kaila­ngan mo ring tulu­yang talikuran ang ilang lumang nakagawian. Mas marami kang maa-accomplish kung aalisin mo ang lahat ng bagaheng nagpapabigat sa iyong buhay. Lucky number for today: 24

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang magseryoso. Bigyan din ng panahon ang pagsasaya lalo na kung mga totoong kaibigan ang iyong kasama. Mas marami kang magagawa kung ganap na mairerelaks ang isip. Lucky number for today: 1

AQUARIUS (January 20-February 18) – Bigyan ng pahinga ang sarili mula sa mga seryosong gawain. Ikonsidera ang isang pagbabakasyon upang makapag-recharge nang husto. Makipagkonek sa mga kaibigang matagal mo nang hindi nakakasama. Lucky number for today: 49

PISCES (February 19-March 20) – Hindi masamang ipaglaban ang iyong mga opinion pero wala namang mawawala kung pakikinggan mo rin ang opinion ng iba. Iwasang makipagtalo dahil lamang sa mga maliliit na isyu. Lucky number for today: 33

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy