Una sa Balita

Horoscope 01/22/2020

0 352

Happy birthday
KHALIL RAMOS

AQUARIUS (Ja­nuary 20-February 18) – Kailangan mo nang harapin ang iyong mga responsibilidad. ‘Wag mong ipagsawalang bahala maging ang mga maliliit na bagay. Lucky number for today: 50

PISCES (February 19-March 20) – Maga­ling kang kumilatis ng tao kahit sa unang pagkikita pero hindi sa lahat ay tama ka. Walang masama kung bibigyan mo ng pagkakataon ang iba para mapatunayan ang kanilang sarili. Iwasan ang basta manghusga sa kapwa. Lucky number for today: 47

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ka man komportable sa konsepto ng pagbabago ay maaring ito ang kailangan mo sa ngayon. Puwede kang sumubok ng ibang daan papunta sa iyong trabaho o kaya naman ay bagong pagkain. May magandang resulta ang mga maliliit na pagbabagong ito. Lucky number for today: 39

TAURUS (April 20-May 20) – Magi­ging madali sa iba na tanggapin ang iyong anumang suhestiyon. Gamitin ang pagkaka­taon na ito para maipa­kita sa lahat na puwedeng hindi maging boring kahit nasa trabaho. Lucky number for today: 28

GEMINI (May 21-June 20) – ‘Wag mong limitahan ang sarili. Ito na ang panahon para lawakan mo ang iyong kakayahan. Magkakaroon ng mga bagong kakilala na magdudulot ng magandang pagbabago sa’yo. Lucky number for today: 15

CANCER (June 21-July 22) – Mara­ming tao ang umaasa sa iyo ngayon. Walang imposible sa isang taong madiskarte katulad mo. Makakamit ang tagumpay lalo na kung gagamitin mo ang iyong charms. Lucky number for today: 33

LEO (July 23-August 22) – Maraming paraan para makapag-ipon. Umpisahan sa mga simpleng bagay na pinagkakagastusan. Maliit man ang halaga kapag napagsama-sama ay malaki rin. Lucky number for today: 48

VIRGO (August 23-September 22) – Maging wais sa pag-gastos ngayon. Mas maganda na may madu­dukot kung kinakaila­ngan. Lucky number for today: 12

LIBRA (September 23-October 22) – Ma­bigat ang buhay kung may tanim ng sama ng loob sa iba. Matutong magpatawad para makapag-umpisa ka ng muli. Lucky number for today: 52

SCORPIO (October 23-November 21) – May isang kaibigan o kapamilya na may pinagdadaanan ngayon. Maglaan ng panahon at oras para sa kanya. Lucky number for today: 33

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung sa tingin mo ay hindi sapat ang ibinibigay sa’yo maging sa trabaho o sa relasyon man. Matuto kang hi­ngin ang nararapat sa’yo. Lucky number for today: 5

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ito na ang panahon para maging organisado sa buhay. Tapusin mo na ang anumang naiwang trabaho o gawain. Lucky number for today: 3

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More