Una sa Balita

Horoscope 01/21/2020

0 355

AQUARIUS (January 20-Februa­ry 18) – Huwag mahiyang humingi ng tulong maraming handang tumulong sa’yo. Huwag kalimutang magpasalamat sa mga biyayang natatanggap. Lucky number for today: 33

PISCES (February 19-March 20) – Iwasan ang pagiging mainitin ang ulo. Idaan sa diplomasya ang pakikipag-ayos sa anumang gulo. Lucky number for today: 30

ARIES (March 21-April 19) –Huwag hayaan na lumaki ang iyong ulo mula sa mga papuri na natatanggap. Matutong magpakumbaba sa kapwa. Lucky number for today: 24

TAURUS (April 20-May 20) – Humahanga ang mga kasamahan sa katalinuhan at dedikasyon mo sa trabaho.Panatilihin ang magandang relas­yon sa mga katrabaho. Lucky number for today:11

GEMINI (May 21-June 20) – Mag bubu­nga na ang pinaghirapang trabaho nitong mga nagdaang buwan.Huwag kalimutan ang mga taong tumulong sa’yo. Lucky number for today: 13

CANCER (June 21-July 22) – Hindi ka man nagtagumpay sa araw na ito ay may darating pang pagkakataon.Gawing positibo ang iyong pag-iisip. Lucky number for today: 20

LEO (July 23-August 22) – Iwasang manghusga ng iyong kapwa. Puwede mo naman silang kausapin at kilalaning mabuti. Lucky number for today: 9

VIRGO (August 23-September 22) – Pagbutihan ang iyong ginagawa. Pinagmamasdan nila ang iyong kilos kung ito ba ay iyong pinag­huhusayan. Lucky number for today:14

LIBRA (September 23-October 22) – Kailangang balansehin ang iyong oras sa trabaho at oras sa pamilya. Dapat ay gumawa ng paraan upang magampanan ang tungkulin. Lucky number for today: 12

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi kailangang isakri­pisyo ang sariling kapakanan para sa iba. Gawin ang alam mo ay tama basta hindi makakasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky number for today: 36

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Hindi mo kayang lutasin lahat ng problema ng iyong kaibigan at kapamilya. Kailangan nilang matuto sa kanilang pagkakamali. Lucky number for today: 41

CAPRICORN (December 22-Janua­ry 19) – Iniisip mo na may tinatago sila sa’yo. Ito ay hindi masama gusto ka lang nila bigyan ng magandang sorpresa. Lucky number for today: 16

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More