Una sa Balita

Horoscope 01/20/20

0 311

AQUARIUS (January 20-February 18) – Walang ­masama kung magiging mabait sa kapwa. Matutong magpakumbaba at humingi ng tawad kung kinakailangan. Lucky number for today: 28

PISCES (February 19-March 20) – Maaaring sa ngayon ay pagsuko ang pinakamadaling solusyon na iyong ­nakikita. ­Bigyan mo ng panahon ang sarili upang pag-isipan ito ng mabuti. Lucky number for today: 16

ARIES (March 21-April 19) – Maging maingat sa ­paggawa ng kahit anong desisyon lalo na kung sa usaping negosyo. ‘Wag basta-basta maniniwala sa pangakong tagumpay ng ibang tao. Lucky number for today: 22

TAURUS (April 20-May 20) – Darating na ang isang o­portunidad na matagal mo ng hinihintay. Walang masama kung pag-aaralan at pag-iisipang mabuti bago gumawa ng anumang hakbang. Maaaring ito ang ­gusto mong gawin pero hindi naman ito makabubuti sa ‘yo. Lucky number for today: 09

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi ­dahil ginagawa ng mga kaibigan mo ay ­kailangan mo na ring gawin. ‘Wag pilitin ang sarili kung hindi ka nag-eenjoy sa mga bagay na gusto nila. Gamitin mo ang iyong oras para sa mga bagay na makakapag pasaya sa ‘yo. Lucky number for today: 46

CANCER (June 21-July 22) – Abot kamay mo na ang tagumpay na iyong ­inaasam. Makikita mo na ang resulta ng iyong pagsisikap at pagsasakripisyo. Lucky number for today: 31

LEO (July 23-August 22) – ‘Wag ­pangunahan ang mga bagay-bagay. Mas mabuting maging sigurado bago magsaya. Walang masama kung ­mag-iingat. Lucky number for today: 53

VIRGO (August 23-September 22) – Pillin lang ang mga laban sa iyong buhay. Hindi lahat ng laban ay ­nilalabanan. ‘Wag sayangin ang iyong panahon at oras lalo na sa mga maliliit na bagay. Lucky number for today: 32

LIBRA (September 23-October 22) – ‘Wag mong hayaang abusuhin ka. Walang masama kung paminsan minsan ay tumanggi sa iba at uunahin naman ang ­sarili. Lucky number for today: 18

SCORPIO (October 23-November 21) – ­Kailangan mong matutunan na may mga bagay na ­hindi na maisasalba. Maging ito ay sa isang relasyon o trabaho man. May kailangang mawala para ­magkaron ng puwang ang mga bagong tao o bagay sa ating ­buhay. Lucky number for today: 17

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. ‘Wag mong intindihin ang sinasabi nila. Gamitin mo ito para mas lalo mong galingan at maipakita na mali sila. Lucky number for today: 24

CAPRICORN (December 22-January 19) – Lahat ng nangyayari ay may dahilan. Na sa ‘yo na kung paano mo ­gagamitin ang mga pagkakataon na ito. Lucky number for today: 38

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More