Una sa Balita

Horoscope 01/19/2020

0 393

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang taong matagal mo nang hindi nakikita ang muling makakakrus ng landas. Marami kayong matututuhan sa isa’t isa sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 4

AQUARIUS (January 20-February 18) – Maraming tao sa paligid mo ngayon ang mas sensitibo. Iwasang magbigay ng anumang pagbibiro o pagbibitaw ng negatibong komento. Ang isang nasabi na ay hindi mo na mababawi pa. Lucky number for today: 52

PISCES (February 19-March 20) – Pinakamadaling gawin ang pagsuko sa isang bagay na nahihirapan ka pero ito ba ang tama? ‘Wag masyadong magmadali sa pagdedesis­yon. Bigyan mo muna ng ilang araw ang sarili mo para makapag-isip. Lucky number for today: 41

ARIES (March 21-April 19) – Maging maingat dahil may ilang taong pilit kumokontra sa iyo. Maaari silang gumawa ng paraan para harangan ang mga plano mo. Sarilinin muna ang mga gagawin mo. Lucky number for today: 50

TAURUS (April 20-May 20) – Isang alok ang tila napakagandang pakinggan. Pero kailangan mo itong pag-isipan nang makailang ulit. May mga bagay na hindi sinasabi sa iyo. Tiyaking handa ka bago ito tanggapin. Lucky number for today: 3

GEMINI (May 21-June 20) – Ilang kaibigan ang mag-aaya sa iyo sa isang pagsasaya. Kung sadyang wala kang interes sa gusto nilang mangyari, magpa­katotoo at aminin ito. Hindi lahat ng kanilang pagsasaya ay kailangan mong samahan. Lucky number for today: 15
CANCER (June 21-July 22) – Naghahangad ka ng tagumpay pero kailangan mo munang ibigay ang iyong buong partisipasyon. Kung hindi ka naman nag-e-effort, mas magi­ging mailap sa iyo ang tagumpay. Lucky number for today: 30

LEO (July 23-August 22) – Isang malaking im-pormasyon ang makakarating sa iyo. Pero bago umaksyon, tiyaking ito talaga ang iyong gusto. Maaari kang matalo kung mapipilitan ka lamang. Lucky number for today: 21

VIRGO (August 23- September 22) – Iwasang mapokus sa isang isyung inaakala mong importante. Nakikita mong ikaw lamang ang nagbibigay ng importansya rito. Pag-isipan kung bakit naiiba ang posisyon mo sa karamihan. Lucky number for today: 18

LIBRA (September 23- October 22) – Kung talagang ayaw mo, sabihin ito. Ipaunawa sa mga tao sa paligid mo kung ano ang iyong tunay na posisyon. Kailangang respetuhin nila ang kagustuhan mo. Lucky number for today: 12

SCORPIO (October 23- November 21) – Hindi mo na kayang sagipin ang isang relasyon kung nakikita mong ikaw lamang ang nag-e-effort. May pagkakataon kailangan mo nang mag-let go. Posibleng oras na para mag-move on. Lucky number for today: 16

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Hindi ikaw ang taong mapagsuspetsa lalo’t sukat mo ang iyong abilidad. Iwasan na lamang magpatalo sa mga kritisismo ng isang taong wala naman talagang bilib sa iyo. Hindi mo kailangang mag-adjust para sa kanya. Lucky number for today: 29

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More