Una sa Balita

Horoscope 01/18/2020

0 325

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ang taong makilala mo ay magkakaroon ng malaking bahagi sa iyong negosyo. Iwasan lang ang umasa sa kanya nang labis. Lucky number for today:16

AQUARIUS (January 20-February 18) – Magkakaroon ng malaking pagbabago sa iyong trabaho. Ipakita na kaya mo na makiangkop sa pagbabagong ito. Lucky number for today: 4

PISCES (February 19-March 20) – May kakayahan kang kontrolin at baguhin ang iyong buhay. Kailangan lang ng lakas ng loob para rin ito sa ikakabuti mo. Lucky number for today: 36

ARIES (March 21-April 19) – Magtutuloy-tuloy ang suwerte sa iyong trabaho. May pag-ibig na namumuo at kaila­ngan itong bigyan ng pansin. Lucky number for today: 30

TAURUS (April 20-May 20) – Ma­ging huwarang pinuno sa mga kasamahan. Maging mahinahon at idaan sa pribadong usapan ang anumang problema upang malutas ito ng maayos. Lucky number for today:20

GEMINI (May 21-June 20) – Magpokus sa iyong gawain sa araw na ito. Iwasan ang anumang makakagambala sa iyong trabaho upang matapos agad ang mga ito. Lucky number for today: 43

CANCER (June 21-July 22) – Ang pagkakaroon ng oras para sa sarili ay makakabuti para sa’yo. Iwasan ang sobrang pag-aalala baka mauwi pa ito sa sakit. Lucky number for today: 9

LEO (July 23-August 22) – Huwag basta magtiwala sa iba. Ang panlabas na anyo ay mapanlinlang kailangang kilalanin itong mabuti. Lucky number for today:39

VIRGO (August 23-September 22) – Magiging masagana dahil ito sa iyong pagsusumikap. Oras na para humanap ng kapareha at bumuo ng pamilya. Lucky number for today: 49

LIBRA (September 23-October 22) – Magsimula nang mag-impok ngayon at hindi pa huli ang lahat. Maging matalino at iwasan ang sobrang paggastos. Lucky number for today:14

SCORPIO (October 23-November 21) – Huwag pabayaan ang kapamilyang nangangailangan ng iyong tulong. Ang anumang iyong ibibigay ay magbabalik ng gantimpala. Lucky number for today: 7

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maaari kang makinig sa payo pero kailangan mo ng pagpipilian.Pag- isipang mabuti ang desisyon na iyong gagawin. Lucky number for today: 22

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More