Una sa Balita

Horoscope 01/15/2020

0 317

Happy birthday
Jennie

CAPRICORN (December 22-­January 19) – Matatapos na ang isang kalituhan. Malaki ang ­maitutulong ng isang ­pagbabakasyon para ­ganap na makarekober. Lucky number for today: 20

AQUARIUS (January 20-­­February 18) – Isang taong may malaking nai­tulong sa iyo nanganga­ilangan ngniyon atensyon. Iparamdam ­ang iyong pagtanaw ng utang na loob. Lucky number for today: 55

PISCES (­February 19-March 20) – Hanggang kailan ka aasa sa isang taong malayo na sa iyo. ‘Wag nang hintayin ang kanyang pagbalik sa halip ipokus ang atensyon sa taon nasa tabi mo lang. Lucky number for today: 1

ARIES (March 21-April 19) – Isip lamang ang nagpapalaki sa isang isyu. Iwasang maging emosyunal at harapin ito nang mahinahon. Lucky number for today: 40

TAURUS (April 20-May 20) – Isang kaibigan ang nagpapasaya sa iyo. Posibleng kailangan mo nang pag-aralan kung totoong hanggang kaibigan lang ang iyong ­nararamdaman o higit pa. Lucky number for today: 37

GEMINI (May 21-June 20) – ­Maraming natatambak na ­obligasyon. Isipin kung alin sa mga ito ang iyong prayoridad at ito muna ang harapin bago an lahat. Lucky number for today:

CANCER (June 21-July 22) – ‘Wag bigyan ng ibang ­kahulugan ang isang komentong nasabi sa gitna ng emosyunal na sitwasyon. ­Kailangang mas manaig ngayon ang pang-unawa at pagpapatawad. Lucky number for today: 22

LEO (July 23-August 22) – Iwasang takutin ang iyong ­sarili kung wala ka pa ­naman matibay na pinanghahawakan. Ang takot mo ay nakakaapekto rin sa mga taong mahalaga sa iyo. Lucky number for today: 10

VIRGO (August 23- September 22) – Isantabi muna ang pagtatampo. May kailangan kang talakayin sa isang ­indibidwal na importante sa ­buhay mo. ‘Wag nang ­pairalin ang pride. Lucky number for today: 56

LIBRA (September 23-October 22) – Dalawang indibidwal ang nagpapaligsahan sa iyong atensyon. Wala ka ring dapat kampihan. Iwasang maipit sa kanilang isyu. Lucky number for today: 36

SCORPIO (October 23-November 21) – Hawakan muna ang pera. Maraming tukso sa paligid at karamihan dito ay kailangan pagkagastusan. Umiwas na lamang dahil may mahalagang gastusin sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 3

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Hindi ­uubra ngayon ang ­pagdadalawang isip sa isang pagdedesisyon. ­Hindi ­makapaghihintay ang isang ­magandang oportunidad. Lucky number for today: 6

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More