Una sa Balita

Horoscope 01/15/2019

0 383

ARIES (March 21-April 19) – Makuha ka sa tingin. Kung single ka pa at naghahanap ng mamahalin, posibleng hindi mo lamang napapansin ang isang nagpapakita ng espesyal na interes sa iyo. Hindi lahat ay idinadaan sa salita. Lucky number for today: 6

TAURUS (April 20-May 20) – Mataas ang iyong energy sa araw na ito at maaaring samantalahin ito upang ma-achieve mo ang isang malaking goal na matagal mo nang target. Sa mga single, isang taong kinainisan mo sa unang pagkikilala ang magpapakita ng mas malalim na interes. Lucky number for today: 16

GEMINI (May 21-June 20) – Kaya mong ma-achieve anuman ang gusto mong maging. Magtiwala lamang sa sarili dahil maraming naniniwala sa iyong kakayahan. Makabubuti ring umiwas sa mga tsismis at intriga dahil walang itutulong ito sa iyo. Lucky number for today: 11

CANCER (June 21-July 22) – Team work ang importante ngayon at sa mga susunod na araw. Makukuha mo rin ang suporta ng nakararami kaya wala kang dapat ipangamba. Kung ikaw ay single pa at handa nang pumasok sa mas malalim na commitment, isang magandang oportunidad ang ilalapit. Lucky number for today: 50

LEO (July 23-August 22) – Patungo ka na sa tagumpay at nakikiayon din ang mga pagkaka­taon. Pati ang aspeto ng iyong lovelife ay magi­ging mas makulay. Mas magaan ang magtrabaho kung may inspirasyon na nagmumula sa puso. Lucky number for today: 46

VIRGO (August 23- September 22) – Kailangan ng atensiyon ang isang matagal nang relasyon. Maaaring manlamig ang romansa kung hindi ito aalagaan. Sa mga single, isang oportunidad ang nabubuksan pero maaaring kailanganin mong tanggapin ang buong pamilya ng iyong pinag-iinteresan. Lucky number for today: 41

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Malaki ang nagagawa ng love para mas maging masaya ka at mararamdaman mo ito nang husto sa linggong ito. Hindi rin masamang gumawa ng hindi mo karaniwang ginagawa. Lucky number for today: 39

SCORPIO (October 23-November 21) – Ang mga ideya mo ay nagbibigay inspirasyon din sa ibang tao. Umiwas lamang sa mga taong mahilig mang-intriga. Maaari kang maipit sa gulo kung papayagan mo sila. Lucky number for today: 24

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Nararamdaman mo ngayon na pinapaha­lagahan ka ng mga taong nasa paligid mo. Magbibigay pa ito ng ibayong ins­pirasyon para lalo kang magpursige. Samantalahin ang pagkakataon para matapos na ang matagal mo nang inum­pisahan. Lucky number for today: 1

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang impormasyon na dating mailap ay agad makukuha ngayon. Mala­ki ang maitutulong nito para magawa mo ang mga kailangang gawin. Marami rin ang gustong makasama ka sa araw na ito kaya may pagkaka­taon kang magpakitang-gilas. Lucky number for today: 55

AQUARIUS (January 20-February 18) – Iwasang ikumpara ang partner mo sa isang taong dati mong nakasama nang matagal. Nagiging unfair ka sa iyong mahal kung laging pumapasok ang nakaraan. Lucky number for today: 44

PISCES (February 19-March 20) – Mas matalas ngayon ang iyong isip at pakiramdam. Mas makikita mo rin kung sino sa mga taong nagpapakita ng kabaitan ang tunay na mabait at kung sino ang nagkukunwari lamang. Lucky number for today: 8

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy