Una sa Balita

Horoscope 01/14/2020

0 353

CAPRICORN (December 22-January 19) – Make or break. Ito ang senaryong naghihintay sa iyo. Kaila­ngan mong ibuhos ngayon ang effort. Itodo na ang pagsisikap dahil isang pagkakamali ay puwedeng mawala ang lahat. Lucky number for today: 56

AQUARIUS (January 20-February 18) – Marami kang inaalala sa mga nagdaang araw. Sa araw na ito, makakakita ka na ng liwanag. Hindi laging kapalpakan ang naghihintay sa iyo. Lucky number for today: 8

PISCES (February 19-March 20) – Kung mana­natili kang positibo, wala kang dapat katakutan. Importante ang attitude. Marami ang nagmamasid sa iyo. Lucky number for today: 23

ARIES (March 21-April 19) – Habang wala ka pa sa mood sa anumang dapat mong pagkaabalahan, isang kaibigan at kasamahan ang handang umalalay sa’yo. ‘Wag nang pairalin ang pride dahil hinihintay lamang niya ang pasabi mo. Lucky number for today: 5

TAURUS (April 20-May 20) – May mga negatibong pangyayari sa mga nagdaang araw. Kung ito’y may kinalaman sa isang kasamahan sa trabaho, kailangan mo na siyang kausa­pin. Hindi mareresolba ang isyu kung hindi ito pag-uusapan. Lucky number for today: 46

GEMINI (May 21-June20) – Lahat ay nakakagawa ng pagkakamali kahit ikaw Gemini. ‘Wag ka nang magpanggap na maayos ang lahat kung alam mong meron talagang mali. Makabubuting aminin ang lahat para makapag-umpisa ng pagbawi. Lucky number for today: 2

Related Posts

CANCER (June 21-July 22) – Mahirap ipaliwanag ang iyong nararamdaman pero kailangan itong gawin. Makikita mong worth it ang effort na ibubuhos mo. Alalahaning hindi mababasa ng ibang tao ang iniisip mo. Lucky number for today: 17

LEO (July 23-August 22) – Walang mahirap at walang imposible. Kung determinado ka, lahat ay kaya mong gawin. Ipaalala ito sa iyong sarili at mas malayo ang iyong mararating. Lucky number for today: 53

VIRGO (August 23- September 22) – May ilang alalahanin pagdating sa mga partnership at kabilang na rito ang iyong lovelife. Marami ka pang dapat matutuhan. Unti-unti, malalagpasan ang anumang a­berya. Lucky number for today: 40

LIBRA (September 23- October 22) – Lumayo muna sa mga isyung nagdudulot lamang ng kalituhan. Mas makakapag-isip ka kung pipiliin mo munang mapag-isa. Hindi mo kailangan ngayon ang dikta ng ibang tao. Lucky number for today: 13

SCORPIO (October 23- November 21) – Nakasanayan mong kumilos mag-isa pero sa araw na ito mas magiging madali ang lahat kung magpapaalalay ka. Hindi uubra ang pride sa lahat ng pagkakataon. Lucky number for today: 45

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Diplomasya ang kailangang pairalin pagdating sa pakikiharap sa iba’t ibang tao. Hindi lahat ay tulad mong mag-isip. Makibagay sa kaibahan ng bawat isa. Lucky number for today: 25

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More