Una sa Balita

Horoscope 01/14/2019

0 413

ARIES (March 21-April 19) – Kung may trabaho o project na kailangang gawin na nararamdaman mong wala sa timing, i-push mo lang. Bago matapos ang linggong ito ay makikita mo na ang positibong resulta. Piliin muna ang manahimik at maging abala kaysa magsalita upang maiwasang makasakit ng damdamin ng iba. Lucky number for today: 16

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi makakatulong ngayon ang anumang pagmamadali. Mas malaki ang tsansang magkamali at lalo ka lamang magtatagal. Piliting maging organisado at planuhing mabuti ang mga dapat gawin. Lucky number for today: 14

GEMINI (May 21-June 20) – Makakatanggap ka ng malaking pera pero may malaki ka rin namang pagkakagastusan kaya madali lamang itong mauubos. Mag-ingat pa rin sa mga paggastos at iwasang unahin ang mga luho. Lucky number for today: 38

CANCER (June 21-July 22) – Isang ina­akala mong malaking balakid ay may ihahatid na magandang oportunidad. Importante rin na maging positibo sa iyong attitude lalo’t mas marami ngayon ang nag-oobserba sa mga kilos mo. Lucky number for today: 12

LEO (July 23-August 22) – ‘Wag munang ipilit ang mga gusto mo. Posibleng lalo ka lamang magtagal bukod sa marami kang maka­kabangga kung hindi kokontrolin ang pagi­ging agresibo. Diplomas­ya ang kailangang manaig. Lucky number for today: 6

VIRGO (August 23- September 22) – Iwasang maging padalos-dalos sa mga ginagawa. Hindi lahat ng naiisip ay kailangan mong sabihin. Maaaring pagmulan ng tensiyon ang anumang komentong hindi pinag-isipan. Lucky number for today: 21

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Ang isang bagay na sa tingin mo ay simple lamang ay posibleng komplikado sa ibang tao. Lawakan pa ang pang-unawa dahil hindi lahat ay kasing galing mo. Unawain na bawat tao ay mayroong kahinaan. Lucky number for today: 54

SCORPIO (October 23-November 21) – Iwasang magmadali. Mas malayo ang mararating mo kung pinag-iisipan muna ang lahat ng ginagawa. Maari mo ring gamiting basehan ang karanasan ng mga taong nauna sa iyo. Lucky number for today: 18

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maaaring ilang aberya ang hindi maiwasan pero hindi pa ito ang katapusan ng lahat. Hindi masamang ikonsidera ang pakiki­pagkompromiso at tanggapin na hindi lahat ay kaya mong gawin. Lucky number for today: 10

CAPRICORN (December 22-January 19) – Marami ang humahanga sa iyong kumpiyansa pero ilan din ang lihim na naiinis. Iwasang magkaroon ng dagdag na kaaway. Manatiling humble at umiwas sa anumang tensiyon. Lucky number for today: 44

AQUARIUS (January 20-February 18) – Marami kang kaila­ngang tapusin at alam mong nagmamasid lamang ang mga importanteng indibidwal sa buhay mo. Maaaring malagay sa alanganin ang iyong buong reputasyon kung hindi mag-iingat. Lucky number for today: 11

PISCES (February 19-March 20) – Gumawa ng bagay na hindi lamang makakatulong sa iyo kundi sa mga taong umaasa sa iyo. Sa pagkakataong ito, unahin muna ang kapakanan ng nakararami kaysa iyong sariling interes. Lucky number for today: 9

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy