Una sa Balita

Horoscope 01/13/2020

0 365

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ilang karibal ang ­posibleng gumawa ng isyu laban sa iyo. Maging alerto ­ngayon at sa mga susunod na araw para hindi ka ­maisahan. Lucky number for today: 27

AQUARIUS (­January 20-February 18) – ­Kailangan mo munang mag-low profile sa araw na ito hanggang sa mga susunod na araw. Iwasang magbigay ng bayolenteng reaksyon kahit hindi ka pabor sa ilang pangyayari. Lucky number for ­today: 18

PISCES (­February 19-March 20) – ­Kailangan mong gamitin ang iyong isip at hindi ang bibig para talunin ang isang karibal. Hayaan mo silang magmukhang katawa-tawa sa bawat pagsasalita. Magmasid ka lamang para alam mo kung paano sila kokontrahin. Lucky number for today: 2

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ka basta nagpapaapekto sa mga bad news na nasasagap. Alam mo rin na ang anumang negatibo sa iba ay maaaring magdulot ng oportunidad para sa iyo. Move up pa! Lucky number for today: 29

TAURUS (April 20-May 20) – May isang malaking bahagi ng iyong buhay ang nababago at ito’y wala sa iyong kontrol. ‘Wag nang pagtangkaang ibalik ito sa dati. Oras na para papasukin ang mga bagong oportunidad. Lucky number for today: 1

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi kaila­ngang makipagkumpe­tensya sa lahat ng oras. Puwedeng paghatian ang mga oportunidad sa iyong ­harapan para masaya ang lahat. Sa araw na ito, ibahagi ang iyong natatanggap na biyaya. Lucky number for today: 42

CANCER (June 21-July 22) – Hindi makatutulong ang emosyon para resolbahin ang isang importanteng isyu. Iwasan ding palakihin ang mga maliliit na alalahanin. Takot ang numero uno mong kalaban. Lucky number for today: 51

LEO (July 23-August 22) – Isang mahalagang payo ang ibibigay ng isang kasamahan sa trabaho o kaya ay isang kaibigan. Kung smart ka, dapat mo siyang pagtiwalaan. Mas malawak ang kanyang karanasan kumpara sa iyo. Lucky number for today: 9

VIRGO (August 23-September 22) – ­Magtiwala sa iyong mga ideya. Kung hindi ka magtitiwala sa iyong sarili, sino pa ang aasahan mong gagawa nito para sa iyo. ‘Wag padaig sa takot sa halip ay umaksyon. Lucky number for today: 46

LIBRA (September 23- October 22) – ‘Wag munang magrelaks dahil ma­raming nangyayari sa pa­ligid. Tiyaking nasa sentro ka ng aksyon. ‘Wag palagpasin ang mga oportunidad dahil maaari itong ­mapunta sa iba. Lucky number for ­today: 10

SCORPIO (October 23- November 21) – Ang bawat sabihin at gawin mo ngayon at sa mga susunod na araw ay inoobserbahan ng mga tao sa iyong ­paligid. Hindi mo kailangang ma­ging brutal sa paraan ng pagsasalita sa halip mas idaan ito sa aksyon para makumbinsi ang lahat. Lucky number for today: 19

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi lahat ng taong katrabaho mo ay mabilis sumagap sa iyong mga gustong mangyari. Sa araw na ito, maaaring kailangan mong ulit-ulitin ang iyong mensahe para tiyak na ito’y nakakarating at nauunawaan. Lucky number for today: 52

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More