Una sa Balita

Horoscope 01/13/2019

0 201

ARIES (March 21-April 19) – Pili­ting makawala sa mga negatibong alalahanin. Hindi lahat ng mga kaibigan at kapamilya ay makakaunawa kung nakakaapekto na ang mood mo sa inyong bonding. Makapaghihintay ang iba pang seryosong bagay. Lucky number for today: 34

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi lahat ng naririnig ay katotohanan. Mag-isip nang makailang ulit bago paniwalaan ang sinasabi sa iyo. Kailangan mo munang mag-double check upang hindi ka mapahamak lalo na kung ang isyu ay may kinalaman sa pera. Lucky number for today: 27

GEMINI (May 21-June20) – Mas marami kang matatapos na gawain ngayon kung patuloy na magtitiwala sa iyong sarili. Hindi rin totoong limitado ang iyong opsyon, kailangan mo lamang maging mas bukas sa iba’t ibang posi­bilidad para makita ang lahat. Stay positive. Lucky number for today: 5

CANCER (June 21-July 22) – Maaaring hindi lahat ng ideya mo ay conventional at ang iba ay puwedeng ituring na weird. Pero ang lahat na ito ay may potensyal kaya hindi dapat balewalain. Makatutulong kung tatalakayin din ito sa isang taong iyong pinagtitiwalaan. Lucky number for today:53

LEO (July 23-August 22) – Mas gugustuhin mo ngayong mapag-isa para mas makapag-isip. Marami kang dapat paghandaan para sa mga susunod na araw. Makakahanap ka na rin ng solusyon sa isang isyung may kinalaman sa pamilya. Lucky number for today: 21

VIRGO (August 23- September 22) – Maaari kang ma-stuck sa isang alanganing sitwasyon. Kung talagang hindi mo matanggap ang nangyayari, habang maaga ay piliin na ang umatras. Hindi masamang unahin muna ang sariling interes. Lucky number for today: 28

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang taong itinuturing mong kaibigan ang may sasabihin na maaring hindi mo ikatuwa. Posible itong pagmulan ng hindi pagkakaunawaan kung hindi mo lalawakan ang iyong pa­sensya. Ang lahat ay nakukuha sa mahinahong pag-uusap. Lucky number for today: 50

SCORPIO (October 23-November 21) – Wag hayaang sirain ng ibang tao ang iyong weekend. Hindi lahat ng sinasabi niya ay totoo kaya wag magpaapekto. Manatiling positibo. Lucky number for today: 38

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kailangan mong magseryoso lalo na kung ang usapin ay may kinalaman sa pera. Hanggang sa susunod na linggo, kailangang pag-ingatan ang paggastos. Hindi mo kailangang bilhin ang lahat. Lucky number for today: 6

CAPRICORN (December 22-January­ 19) – Pag-isipang mabuti ang iyong desisyon. Kung puwede pa itong ipagpaliban ng ilang araw, gawin ito. Hindi pinapaboran ang pagiging impulsive. Ang lahat ay kailangang pagplanuhan. Lucky number for today: 14

AQUARIUS (January­ 20-February 18) – Hindi pa katapusan ng mundo kahit meron kang nagawang kapalpakan. Maaaring hindi nakakaunawa ang lahat sa ngayon pero sa mga susunod na araw ay mawawala na rin ang atensyon. Madali ka lamang maka­kabawi. Lucky number for today: 24

PISCES (February 19-March 20) – Ayu­sin ang iyong iskedyul ngayon at sa mga susunod na araw. Kung hindi ka magpaplano ngayon, maaari kang mapasubo. Hindi mo gugustuhing mawala ang iyong mga opsyon. Lucky number for today: 27