Una sa Balita

Horoscope – 01/13/2018

0 590

ARIES (March 21-April 19) – Ang mga dating katanungan ay magkakaroon na ng kasagutan lalo na kung may kinalaman ito sa iyong lovelife. Hindi masamang unahin muna ang pa­ngangailangan ng iyong partner. Lucky number for today: 16

TAURUS (April 20-May 20) – Madali lamang para sa iyo ngayon ang makisalamuha sa lahat, sa mga partners man sa negosyo, mga kaibigan, bagong kakilala at maging sa iyong love interest. May bago ring oportunidad sa negosyo ang puwedeng mabuksan. Lucky number for today: 33

GEMINI (May 21-June20) – Balikan ang iyong mga nakaraang tagumpay at gamitin itong basehan sa mahirap na pagdedesisyon. Mas ma­raramdaman ang suporta ng mga taong tapat sa iyo. Lucky number for today: 20

CANCER (June 21-July 22) – May magandang balita mula sa ibang bansa. Dagdag inspirasyon ang hatid nito. Magandang samantalahin ang mood mo para tumutok sa importanteng proyekto. Lucky number for today: 28

LEO (July 23-August 22) –  May positibong balita sa pananalapi pati na sa iyong career. Gayunpaman, hindi paborableng araw ito para pumasok sa isang investment. Ipagpaliban ang pagdedesisyon patungkol dito. Lucky number for today: 10

VIRGO (August 23- September 22) – Makakakuha ka na  ng sapat na impormasyon na kailangan para sa isang pinapasok na kasunduan. Isang successful na indibidwal ang magpapakita ng mas malalim na interes. Lucky number for today: 27 

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Gamitin ang mga positibong pangyayari sa araw na ito para maisulong ang lahat ng ipinupursige mo. Ang mga kaibigan, kapamilya ay makikiayon sa lahat ng plano. Lucky number for today: 29

SCORPIO (October 23-November 21) – May dahilan para mag-ce­lebrate ngayong weekend. Pinapaboran din ang bagong romansa. Ienjoy lamang ang mga pangyayari at iwasan munang kumontra. Lucky number for today: 40

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Magiging maayos ang lagay ng pananalapi. Huwag lamang i-take for granted ang ibinibigay na suporta ng mga tapat na kaibigan. Ipakitang marunong kang tumanaw ng utang na loob. Lucky number for today: 18

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang matagal nang pinaplano na may kinalaman sa pagbiyahe ang magkakaroon na  ng katuparan. May malaki ring maitutulong ang pakikipag-usap sa isang taong nakakataas ng tungkulin. Lucky number for today: 29

AQUARIUS (January 20-February 18) – Posibleng makatanggap ng pagbisita mula sa mga koneksyon sa negosyo o sa iyong career. Gamitin ang mga ideyang mabubuksan para isulong ang matagal mo nang pinaplano. Lucky number for today: 11

PISCES (February 19-March 20) – Pagbigyan ang mga kaibigan na matagal nang nag-aanyaya. Ilagay lamang sa kontrol ang lahat ng aktibidad at nang walang pagsisihan. Lucky number for today: 23