Una sa Balita

Horoscope 01/12/2019

0 382

ARIES (March 21-April 19) – May isang importanteng bagay na nakakaligtaan. Posibleng may kinalaman ito sa iyong pamilya. Bigyan sila ng atensyon ngayong weekend. Lucky number for today: 4

TAURUS (April 20-May 20) – Isang taong may mahalagang papel sa buhay mo ang dumidis­tansya. Posibleng meron lamang pinagdaraanan ang taong ito. Respetuhin ang kanyang kagustuhan at pagbigyan mo muna ang kanyang pananahimik. Lucky number for today: 33

GEMINI (May 21-June20) – Hindi masamang dumistansya muna sa mga pakikihalubilo sa mga tao ngayon at sa susunod na araw. Mas makakaiwas ka sa mga negatibong isyu kung mananahimik muna. Ipunin ang iyong energy ngayong weekend para may lakas pagdating ng susunod na mga araw. Lucky number for today: 36

CANCER (June 21-July 22) – Kailangan mo munang kontrolin ang paggastos lalo na sa mga bagay na maituturing na luho lamang. Posibleng malubog ka sa utang kung hindi ka magiging matalino sa paggastos. Lucky number for today: 22

LEO (July 23-August 22) – Mas magi­ging agresibo ka ngayon at sa mga susunod na araw. Iwasan lamang na masyadong magtaas ng boses dahil hindi lahat ng nasa paligid mo ay makakaunawa. Puwede ka namang mapakinggan nang hindi kailangang sumigaw. Lucky number for today: 50

VIRGO (August 23- September 22) – Isang situwasyon ang maka­kagulo sa iyong isip. Posibleng maging dahilan ito para kuwestyunin ang isang taong malapit sa iyo. Hindi ka magiging kompotable sa sitwasyon pero mahirap itong iwasan. Lucky number for today: 39

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Kailangan mo munang lumayo sa anumang pakikipagsosyalan ngayong araw na ito hanggang bukas. Kahit maging dahilan pa ito ng pagtatampo ng isang taong malapit sa iyo, wala kang choice kundi harapin muna ang ilang prayoridad. Lucky number for today: 38

SCORPIO (October 23- November 21) – Piliin lamang ang mga bagay na dapat nang itapon. Hindi lahat ng inaakala mong basura ay wala nang halaga. Kailangan mo lamang gumawa ng kinauukulang adjustment. Lucky number for today: 28

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Kung masyado kang nahihirapang abutin ang isang target mo, posibleng masyadong naging mataas ang expectation mo. Pag-aralan kung anong pagbabago ang puwede mong ipasok para mas maging madali ang iyong pagpupursige. Lucky number for today: 50

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang taong lagi mong nahihingan ng tulong ang hindi mo puwedeng asahan ngayon. Wala sa kanya ang kailangan mo sa halip ay tanging sarili mo ang makakapagbigay nito sa iyo. Lucky number for today: 40

AQUARIUS (January 20-February 18) – Tila nalilihis ng direksyon ang isang pangyayari sa iyong buhay. Posibleng hindi ito talaga nakatakda para sa iyo. May pagkakataon kailangan mong maging praktikal. Lucky number for today: 55

PISCES (February 19-March 20) – Napapag-iwanan ka na ng ilang kaibigan kaya kailangan mo nang mag-move on para makahabol. Huwag makuntento sa kung anong puwede na. Dagdagan ang effort at itaas pa ang iyong mga tina-target sa buhay. Lucky number for today: 33

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy