Una sa Balita

Horoscope 01/12/20

0 327

ARIES (March 21-April 19) – Gumawa ka ng pangalan base sa sarili mong pagsisikap. Walang ibang taong puwedeng gumawa nito para sa iyo. Ipakitang karapat-dapat ka. Lucky number for today: 10

TAURUS (April 20-May 20) – Mas madali mong nababasa ang iniisip ng taong kaharap mo. Mas madali mo rin makita ang kanilang sinseridad. Pakinggan ang ibinubulong ng iyong puso. Lucky number for today: 16

GEMINI (May 21-June 20) – Mababa nga­yon ang iyong kumpiyansa sa sarili pero sandal lamang ito. Hindi naman kaila­ngan ikaw na lamang ang laging life of the party. Hindi masamang manahimik muna kung ito ang iyong gusto. Lucky number for today: 34

CANCER (June 21-July 22) – Habang maraming ipinapangako ang isang tao, mas mahihirapan ka nang makumbinsi sa kanyang mga sinasabi. Magtiwala sa iyong nararamdaman upang makaiwas masaktan. Lucky number for today:44

LEO (July 23-August 22) – Habang pinipili­t mong magtrabaho, mas lalo ka namang nahihirapan. Maibabalik ang iyong sigla kung mareresolba anumang alalahanin. Lucky number for today: 11

VIRGO (August 23- September 22) – Kalma muna dahil hindi mareresolba ang anumang isyung kinakaharap kung nangingi­babaw ang iyong emosyon. Hindi masamang dumistansya pansamantala habang hindi ka pa makapagpokus. Lucky number for today: 7

LIBRA (September 23-October 22) – May isyung kailangang resolbahin at may kinalaman ito sa isang partnership, negosyo man o sa personal na relasyon. Hindi mo ito puwedeng iwasan kaya ilatag na ang iyong mga hinaing. Lucky number for today: 4

Related Posts

SCORPIO (October 23-November 21) – Posibleng makapagbitiw ka ng masasakit na salita. Kung may kailangang sabihin isipin muna kung kaya mong tanggapin ang magiging resulta nito sa hinaharap. Lucky number for today: 50

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Walang maitutulong ang patuloy na pag-aalala sa isang sitwasyong hindi mo naman kayang baguhin. Tanggapin na lamang ito at magpakatatag. Makaka-move on ka rin sa mga susunod na araw. Lucky number for today:36

CAPRICORN (December 22-January 19) – May taong sadyang desididong kontrahin ang mga plano mo. Kalmahin muna ang sarili. Hindi makakatulong kung sasalubungin mo ito ng init ng ulo. Lucky number for today: 13

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mahirap humingi kung na­raramdaman mong sumasalungat sa iyo ang napakaraming pangyayari. ‘Wag panghinaan ng loob. Sa mga susunod na araw ay makakabawi ka. Lucky number for today: 7

PISCES (February 19-March 20) – Wala kang kailangang patuna­yan sa mga tao sa iyong paligid. Gawin ang ina­akala mong tama. Dara­ting ang araw na makikita ng lahat ang kanilang pagkakamali. Lucky number for today: 30

Attachments area

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More