Una sa Balita

Horoscope 01/11/2019

0 318

ARIES (March 21-April 19) – Dumistansya sa mga sitwasyong tila la­ging pinipigilan ang iyong mga diskarte. Kung ang pagkontra ay nagmumula lamang sa iisang indibiduwal, lumayo muna sa kanya. Ikaw ang tanging mahihirapan kung patuloy na sasama ang iyong loob. Lucky number for today: 14

TAURUS (April 20-May 20) – Sa mga nagdaang araw, maraming opsyon ang inilapit sa iyo kaya naman lalo ka lamang na­lito. Ngayon ay nabawasan na ang mga opsyong ito. Bago tuluyang magsara ang mga oportunidad, kailangan mo nang magdesisyon. Lucky number for today: 48

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi masamang magrelaks paminsan-minsan lalo na kung tinatalo ka na ng mga pressure. Bigyang pansin din ang kalusugan. Mas kakailanganin mo ng energy sa mga susunod pang araw kaya kaila­ngang makapag-recharge. Lucky number for today: 8

CANCER (June 21-July 22) – Maaring magdalawang-isip kung ilang tao ang nagkakaiba ng pananaw. Pag-isipang mabuti kung kanino ka kakampi bago ka magbigay ng commitment. Matutumbok mo ang tamang direksyon sa takdang oras. Lucky number for today: 1

LEO (July 23-August 22) – Nakikiayon sa iyo ngayon ang kapalaran at malaki ang posibilidad na makuha mo na ang isang matagal nang inaambis­yon. Maaring nakukulangan ka pa pero ‘wag mainip dahil parating pa lamang ang mas malaking tagumpay. Lucky number for today: 8

VIRGO (August 23-September 22) – Isang kapamilya ang maaring nasa dedma mode sa iyo ngayon. Ang kanyang panlalamig ay dahil sa isang komento sa nagdaan. ‘Wag na lamang munang palakihin ang isyu at piliing dumistansya at magpalamig muna. Lucky number for today: 48

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Habang nagiging abala ka sa iyong career at sa pakikisalamuha sa iba’t ibang tao, mas nag-e-enjoy ka. Mas marami kang nakukuhang bagong kaalaman na magagamit mo sa mga susunod pang araw. Mas paborable ang lumabas kaysa magmukmok sa loob ng bahay. Lucky number for today: 33

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung nagdadalawang-isip ka kung ano ang dapat mong maging prayoridad sa buhay, huminto muna sa mga pinagkakaabalahan. Bigyan ng panahon ang pagtimbang sa anumang gusto mong mangyari at kung ano ang aktuwal na nangyayari. Lucky number for today: 11

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Walang perpek­to sa mundo pero sa araw na ito, maari mong maramdamdan na close to perfect na ang mga pangyayari. Mag-enjoy lamang at makiayon sa agos dahil ang lahat ng kaganapan ay deserved mo. Lucky number for today: 5

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung tila hindi ka sineseryoso ng ilang tao sa paligid mo, ‘wag sayangin ang oras sa pag-iisip ng dahilan. Hindi malaking kawalan ang kanilang opinion. Patuloy na ibuhos ang iyong best effort at mapapatunayan mo ang iyong importansya. Lucky number for today: 11

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ang inaakala mong walang solusyon ay madali lamang palang resolbahin. Kailangan lamang ng pag-alalay ng ilang koneksyon. Nasa tama kang direksyon kaya ‘wag nang bibitaw. Lucky number for today: 53

PISCES (February 19-March 20) – Ang araw na ito at ang mga susunod pa ay magbubukas ng daan para ibaba mo ang isang importanteng desisyon. Tandaan lamang na kapag nag-commit ka, mahihirapan ka nang umatras. Lucky number for today: 21