Una sa Balita

Horoscope 01/10/2019

0 576

ARIES (March 21-April 19) – Manatiling kalmado kahit may mga hindi naiiwasang aberya. Ang pagiging organisado ang hinahangaan sa iyo ng mga tao. May dapat ding paghandaan sa aspeto ng pananalapi. Lucky number for today: 49

TAURUS (April 20-May 20) – Ang isang bagong kaalaman na inaakala mong magi­ging mahirap ay mapagtatagumpayan dahil na rin sa iyong determinasyon. Lumayo muna sa mga distraksyon at maaabot mo ang iyong potensyal. Lucky number for today: 7

GEMINI (May 21-June20) – Kontrolin ang iyong emosyon. Mas madaling magtrabaho kung ididistansya ang iyong mga personal na isyu. Sa romansa, hindi mo kailangang mapag-isa dahil may isa o dalawang indibidwal na nagpapakita ng mas malalim na interes. Lucky number for today: 34

CANCER (June 21-July 22) – Mas magi­ging malalim ang iyong pakikipagrelasyon. Kung single pa, maaaring mabago ang status mo sa nalalapit na panahon. Bigyan din ng panahon ang pakikinig sa isang kaibigan na gustong makipag-ayos. Lucky number for today: 52

LEO (July 23-August 22) – Bigyan din ng panahon at atensyon ang isang relasyon. Dapat nang pag-usapan kung hanggang saan ito dapat makaabot. Sa mga single, isang Capricorn ang mapapalapit sa iyo ngayon at sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 23

VIRGO (August 23-September 22) – Huwag balewalain ang mga nabubuksang oportunidad na may kinalaman sa iyong mga pangarap sa buhay. Hindi ito ilalapit sa iyo kung hindi ka pa ganap na handa kaya wag palagpasin ang pagkakataon. Lucky number for today: 25

Related Posts

 LIBRA (September 23-October 22) – Mas malamang ngayon ang panalo. May hatid din sorpresa ang isang taong inaakala mong nakikipagkaibigan lamang. Ang kanyang mga pagbibiro ay pahiwatig ng mas malalim na atraksyon. Lucky number for today: 31

SCORPIO (October 23-November 21) – Maraming bagong ideyang pumapasok sa isip. ‘Wag agad mag-isip ng mga negatibo. Hand aka na sa mga mas seryosong trabaho. Makakapaghintay at makakaunawa ang mga taong nagmamahal sa iyo. Lucky number for today: 23

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kailangan mo nang magdesisyon kung ano ang dapat maging susunod na chapter ng iyong lovelife. Sa pamil­ya ay maaaring maging emosyunal ang pagkakaiba ng opinyon pero hindi ka rin mahihirapang ipaunawa anuman ang iyong saloobin. Lucky number for today: 13

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mas paborable ngayon ang umaksyon kaysa maging tagamasid lamang. Sapat ang iyong impormasyon kaya hindi mo na kailangang maghintay pa ng mga susunod na kaganapan. Lucky number for today: 4

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Handa nang makinig sa iyo ang mga taong dati’y nagiging maagap sa pagkontra sa iyo. Kailangan mo ring pumili kung ano ang uunahin: lovelife o career bago tuluyang ipatupad ang mga plano mo. Lucky number for today: 45

PISCES (February 19-March 20) – Nasa lovelife ang pokus ng araw na ito. Mas lalo kang nai-inlove at nararamdaman mong minamahal ka rin. Pinapaboran ang pag-level up ng relasyon. Lucky number for today: 38

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy