Una sa Balita

Horoscope 01/09/2019

0 295

ARIES (March 21-April 19) – Nag-uumpisa pa lamang ang taon, huwag mas­yadong i-pressure ang sarili. Ang lahat ng nangyayari ay makikiayon sa iyong mga plano. Kailangan mo pang dagdagan ang pagtitiyaga. Lucky number for today: 1

TAURUS (April 20-May 20) – Sa araw na ito, puso ang dapat manaig. Hindi ang tagumpay o pera ang laging mahalaga. Hindi laging sukatan ng kasiyahan ang mga materyal na bagay. Lucky number for today: 15

GEMINI (May 21-June20) – Minsan ay kailangan munang masaktan ang mga mahal natin sa buhay para matuto sila. Kung ikaw ang daan para mailagay sila sa tama, gawin ito. Pagdating ng araw, mauunawaan ka nila. Lucky number for today: 51

CANCER (June 21-July 22) – Mahirap ka ngayong ma-excite at ito’y posibleng dahil sa natatambak na responsibilidad. Mas marami kang matatapos ngayon kung pipiliing manahimik. Aksyon ang kailangan ngayon at hindi salita. Lucky number for today: 3

LEO (July 23-August 22) – Maaring iniisip ng ilang tao sa paligid mo na hindi ka nagiging seryoso nga­yon. Huwag paapekto sa anumang kritisismo. Alalahaning hindi mo naman kayang pasayahin ang lahat. Lucky number for today: 5

VIRGO (August 23-September 22) – Kung magbigay ng payo ang isang malapit na kaibigan, iwasang sumama ang loob kung hindi mo gusto ang kanyang mga ipinupunto. Hindi siya magiging tunay na kaibigan kung puro papogi lamang ang maririnig mo. Lucky number for today: 34

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Mas mahaba ngayon ang pasensya mo at mas relaks ka kahit nag-uumpisa pa lamang ang linggo. Posibleng ang magandang mood na nararamdaman mo ay nakasentro sa isang espesyal na indibidwal. Lucky number for today: 23

SCORPIO (October 23-November 21) – Iwasan munang palakihin anumang isyung may kinalaman sa pera. Magkakaroon ka ng pagkakataon na madagdagan ang kita sa mga susunod na araw. Habaan muna ang pasensya kung hindi makuha ang lahat ng gusto ngayong araw na ito. Lucky number for today: 30

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Pinapaboran sa araw na ito ang love at pagkakasundo. Nasa mood ka rin para magpatawad. Pero kung kailangang ikaw ang humingi ng tawad, kalimutan ang pride at gawin agad ito. Lucky number for today: 25

CAPRICORN (December 22-Janua­ry 19) – Panatilihing mataas ang iyong standard sa trabaho man at personal na pakikipagrelasyon. Kung may nagpapatutsada sa paligid, ‘wag buma­ba sa kanilang lebel. Lucky number for today: 41

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Maari kang makaramdam ng pagdadalawang-isip. Iwasan munang gumawa ng anumang pagbabago. Pakiramdaman muna ang mga pangyayari at makikitang malalagay sa ayos ang mga inakala mong malaking aber­ya. Lucky number for today: 54

PISCES (February 19-March 20) – Hindi masamang pagbigyan ang pabor na hinihingi mula sa iyo. Pero kailangang huwag mo namang ibigay ang lahat-lahat. Magtira para sa sarili. Lucky number for today: 50