Una sa Balita

Horoscope 01/07/2020

0 378

ARIES (March 21-April 19) – Paalalahanan ang mga kasamahan o kaibigan na dapat ay laging may paggalang sa kapwa. Maging mabuting halimbawa sa kanila. Lucky number for today: 18

TAURUS (April 20-May 20) – Kailangang ­alagaan ang sarili at hindi puro trabaho. Kumain ng ­masustansiyang pagkain at matulog ng sapat na oras Lucky number for today: 5

GEMINI (May 21-June 20) – Magkaroon ng ­tiwala sa sarili na makakaya mong harapin ang ­bagong ­opurtunidad sa iyong buhay. Kailangan ng sipag at tiyaga upang mapagtagumpayan ito. Lucky number for today:18

CANCER (June 21-July 22) – Masigasig kang ­bigyan ng atensiyon ang iyong minamahal. Ang iyong pagiging malikhain ay magagamit sa araw na ito.Lucky number for today: 28

LEO (July 23-August 22) – Masyado kang abala sa paggawa upang mapansin ka sa trabaho. Gusto mong maabot ang sukdulan ng iyong lakas upang makamit ang iyong layunin. Lucky number for today: 43

VIRGO (August 23-September 22) – Ang pagiging madiskarte ay magagamit upang makamit ang iyong pangarap. Huwag mag magpapigil dahil mabuti ang iyong hangarin sa buhay. Lucky number for today:22

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Iwasan ang sobrang pag-iisip sa sinasabi ng iba. Ikaw ang ­nakakaalam ng tunay mong pagkatao.Lucky number for today:30

SCORPIO (October 23-November 21) – Nais mong matapos ang ipinangakong trabaho sa takdang oras. Humingi ng tulong upang magawa ito at hindi ­masira sa pangako. Lucky number for today:41

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Magkakaroon ng problema kung hindi ­magiging ­totoo sa mga sinasabi. Ang pagpuna ay upang ­makatulong at hindi para makasakit ng iba. Lucky number for today:33

CAPRICORN (December 22-January 19) – ­Nahihirapan kang ipahayag ang iyong ­damdamin sa mahinahon na paraan. Maging kalmado sa ­pakikipag-usap upang maipahayag ang iyong gustong sabihin. Lucky number for today:6

AQUARIUS (January 20-February 18) – ­Maglaan ng oras sa isang kaibigan na matagal ng ‘di nakita. Ang pagkakaroon ng oras sa ­pamamasyal ay magbibigay ng magandang inspirasyon ngayon. Lucky number for today:37

PISCES (February 19-March 20) – May ‘di ­pagkakaunawaan sa karelasyon. Kailangang ­pag-usapan ng maayos ang tungkol sa problema bago matapos ang araw na ito. Lucky number for today:33

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More