Una sa Balita

Horoscope 01/07/2019

0 410

ARIES (March 21-April 19) – Mas mapopokus ka ngayon sa mga usaping may kinalaman sa iyong trabaho, career at sa iyong reputasyon. Iwasan lamang munang magbitiw ng malaking desisyon. Pag-isipang mabuti ang lahat ng opsyon bago mag-commit. Lucky number for today: 33

TAURUS (April 20-May 20) – Marami kang na-miss gawin at hindi masamang ikonsidera ito ngayon. Bigyan ng panahon ang nararamdamang kuryosidad. Makikiayon sa mga plano mo ang iyong partner sa buhay. Lucky number for today: 36

GEMINI (May 21-June 20) – Iwasang magpokus nang husto sa mga problemang pinansyal. May mga solusyong paparating sa mga susunod na araw. Magkakaroon ka rin ng sapat na dahilan para mag-celebrate. Lucky number for today: 21

CANCER (June 21-July 22) – Dumistansya sa mga argumento at anumang away na wala ka namang direktang kinalaman. Kahit involved pa ang isang taong malapit sa iyo, hindi ito sapat na dahilan para magpakita ng anumang posisyon. Lucky number for today: 5

LEO (July 23-August 22) – Maraming paraan para mabawasan ang iyong work load kung susundin ang iyong mga plano. Bigyan muna ng panahon ang kalusugan at ‘wag balewalain ang mga bahagyang nararamdaman ng katawan. Lucky number for today: 24

VIRGO (August 23- September 22) – Ang positibong attitude ay magbibigay ng positibong feedback hindi lamang sa iyong personal na pakikipagrelasyon kundi pati sa mga nakakasalamuha sa trabaho. Importanteng panatilihin ang kumpiyansa sa sarili. Lucky number for today: 48

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Bagama’t hindi matatawaran ang iyong abilidad, may pagkakataong kailangan mo pa rin ang tulong ng iba. Huwag mahiyang humingi ng pag-alalay ngayong araw na ito. Maraming tao ang handang tumulong sa iyo. Lucky number for today: 13

SCORPIO (October 23-November 21) – Papaboran ang iyong pakikipagkomunikasyon ngayong araw na ito. Ang mensaheng matagal mo nang gustong sabihin ay kailangan nang maiparating sa kinauukulan ngayon. Hindi makakatulong ang pananahimik. Lucky number for today: 17

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Isang balita na mula sa malayong lugar ang magpapasaya sa iyo. Malaking benepis­yo ang ihahatid nito para sa sarili. Makabubuti rin na sarilinin muna ito habang inilalatag pa lamang ang mga plano. Lucky number for today: 6

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ang lahat ng pangyayari sa mga nagdaang araw ay magpapakita na ng resulta mula ngayon. Makikita mo na rin kung saan ka nagkamali at makagagawa ng kinauukulang adjustment. ‘Wag magsayang ng oras. Lucky number for today: 32

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mas gugustuhin mo ngayon ang mapag-isa para mas makapag-isip. Marami kang plano tungo sa mas malalim na kahulugan ng buhay. Posibleng gumawa ka ng malakihang pagbabago sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 28

PISCES (February 19-March 20) – Ito ang paborableng araw para makipagsaya sa mga kaibigan. ‘Wag lang kalimutang balansehin ang mga ginagawa. Ang anumang sobra ay magdudulot lamang ng sakit ng ulo sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 22

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy