Una sa Balita

Horoscope 01/06/2019

0 567

ARIES (March 21-April 19) – Gusto mong atrasan ang isang bagay o project na naumpisahan mo na. Pero ‘wag padalos-dalos. Dagdagan pa ang paghihintay at hindi ka mabibigo sa resulta. May dagdag benepisyo ito para sa iyo sa mga darating na araw. Lucky number for today: 54

TAURUS (April 20-May 20) – Kailangan mo munang isantabi ang pride at gawin ang isang bagay na matagal nang ipinayo ng iyong mga kaibigan. Mapapatunayan mo rin na nasa tamang direksyon ang mga kaibigan mo at ikaw ang nakagawa ng maling desisyon. Tanggapin na lamang na wala namang taong perpekto. Lucky number for today: 15

GEMINI (May 21-June20) – Isang relas­yon ang dumaraan sa masalimuot na yugto. Aabot pa ito ng ilang araw bago manumbalik sa normal. Dagdagan ang pagtitiyaga. Lahat ay mapagtatagumpayan kung hindi isusuko ang determinasyon. Lucky number for today: 48

CANCER (June 21-July 22) – Ang mga isyung nagpapahirap sa iyo ngayon ay hindi ka­sing hirap ng inaakala mo. Kailangan mo lamang tanggalin muna ang mga negatibong reaksyon para ganap na makapagpokus sa mga gawain na nasa iyong harapan. Lucky number for today: 46

LEO (July 23-August 22) – Iwasan munang tumanggap ng mga ekstrang commitment para magkaroon ng libreng oras sa mga taong nangangailangan. Sa pagkakataong ito, kontrolin muna ang kagustuhang makapagsaya at bigyan ng atensyon ang mga taong umaasa sa iyo. Lucky number for today: 43

VIRGO (August 23- September 22) – Maraming distraksyon sa paligid pero kailangan mong magpokus sa isang importanteng misyon. Lumayo muna sa mga kaguluhan sa paligid para hindi malihis ang iyong atensyon. Lucky number for today: 36

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Alam mo kung ano ang tamang solusyon. Kung pride lamang ang pumi­pigil para maipatupad ito, isantabi muna ang pride. Bagama’t noong nakaraang taon mo pa dapat ito ginawa, hindi pa naman ganap na huli ang lahat. Lucky number for today: 30

SCORPIO (October 23-November 21) – Mahirap man, gawin ang lahat para manati­ling positibo. Ang lahat ng hindi kanais-nais ay matatapos din. Magpa­katatag lalo na sa mga usaping may kinalaman sa pananalapi. Lucky number for today: 48

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Magrelaks ngayong weekend. Kung makakapahinga ang isip kahit isa o dalawang araw sa mga seryosong pag-iisip, mas makakaipon ka ng sapat na energy para harapin ang anumang hamon na ihahatid ng mga susunod na araw. Lucky number for today: 51

CAPRICORN (December 22-January 19) – Iwasang kaawaan ang sarili. Makabubuti ring huwag ikumpara ang tagumpay ng ibang tao sa mga nangyayari sa iyo. Magiging maaliwas muli ang lahat sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 37

AQUARIUS (January 20-February 18) – Isang kaibigan ang may komentong magpapa-shock sa iyo. ‘Wag muna itong personalin. Maa­ring hatid lamang ito ng mas mataas na emosyon sa panig mo at sa panig niya. Dumistansya muna sa tensyon. Lucky number for today: 54

PISCES (February 19-March 20) – Gawin ang gusto mong gawin kahit tila malayo ito sa iyong karakter. May pagkakataong kailangan mong gumawa ng bago para muling mabalik ang excitement sa buhay. Lumabas muna sa iyong comfort zone. Lucky number for today: 29

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy