Una sa Balita

Horoscope 01/05/2018

0 337

ARIES (March 21-April 19) – Isang pangyayari ngayon ang magmumulat sa iyong mga mata na lahat ay posible kung ipopokus mo lamang ang buong atensyon mo. May bago ring oportunidad sa iyong career na magpapatingkad ng iyong abilidad, ‘wag itong sayangin. Lucky number for today: 28

TAURUS (April 20-May 20) – Kung kaila­ngan mong dumistansya sa mga tao sa paligid mo, gawin ito. Pinapaboran din ang pagpunta sa isang hindi pa napupuntahang lugar at maaari mo itong gawin nga­yong weekend nang hindi kailangang lumayo at gumastos nang malaki. Lucky number for today: 2&

GEMINI (May 21-June20) – Isang indibidwal ang masyadong interesado sa iyo at determinado siyang alamin ang lahat ng tungkol sa iyo kabilang na ang mga sikreto mo. Piliin lamang ang taong dapat mong pagkuwentuhan. Lucky number for today: 10

 CANCER (June 21-July 22) – Hindi sa lahat ng araw ay ikaw ang mangunguna. Hindi naman masamang makisunod muna sa kagustuhan ng nakararami. ‘Wag nang pairalin ang pride. May benepisyong hatid ang teamwork. Lucky number for today: 20

LEO (July 23-August 22) –  Maraming tao ang gustong kasama ka sa araw na ito. ‘Wag nang magsuspetsa. Nag-e-enjoy lamang sila sa iyong personalidad at walang ibang motibo. Lucky number for today: 1&

VIRGO (August 23-September 22) – Pabo­rableng araw ito para umpisahan ang isang creative na project. Habang may inspirasyon ka, samantalahin ang pagkakataon. May benepisyo ring idudulot ito pagdating sa pinansyal na aspeto. Lucky number for today: 4

Related Posts

 LIBRA (September 23-October 22) – Kung may naging tampuhan sa pamilya, ngayon ang tamang panahon para resolbahin ang isyu. Ang mga single at naghahanap pa lamang ng mamahalin ay mabibigyan ng pagkakataon ngayon. Lucky number for today: 25

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi paborableng magmukmok sa bahay ngayon. Lumabas at makihalubilo sa karamihan. Makipagkonek sa mga bagong kaibigan. Ang mga taong ito ay magkakaroon ng importanteng papel sa iyong career sa mga susunod na panahon. Lucky number for today: 13

 SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung meron kang isinusulong na transaksyon, ngayon ang paborableng araw para itodo ang iyong effort. Mahirap kang tanggihan sa araw na ito kaya samantalahin ang pagkakataon. Lucky number for today: 11

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ito ang araw para igiit ang gusto mo. Makikiayon sa iyo ang lahat kaya laksan ang loob at sabihin ang matagal mo nang gustong sabihin sa isang partikular na indibidwal. May hatid na saya ang kanyang magiging katugunan. Lucky number for today: 1&

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Huwag magwori kung meron ka mang hindi matapos ngayon. May dahilan kaya natatagalan ang takbo ng mga pangyayari. Maaring may hinihintay pang isang bagay na titiyak sa iyong tagumpay. Lucky number for today: 3&

PISCES (February 19-March 20) – Hindi ka puwedeng dumepende sa ilang tao sa paligid mo. Kailangan mo ring magsolo ng diskarte lalo na sa mga isyung may kinalaman sa pananalapi. Sa mga ganitong pagkakataon, sarili mo lamang ang tunay mong maaasahan. Lucky number for today: 12

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy