Una sa Balita

Horoscope 01/04/2019

0 409

ARIES (March 21-April 19) – May bahagyang resistance pagdating sa kontrol na gusto mong ipatupad. Pero ito’y lalo namang nakakahamon sa iyo. Kung hindi umubra ang lahat ng effort mo, iwasang mapikon at tanggapin na may mga taong higit na mas ma­lakas kaysa sa iyo. Lucky number for today: 34

TAURUS (April 20-May 20) – Adventure ang hanap mo ngayon pero hindi tamang pumasok ka sa mga sitwasyong hindi mo sigurado. Kung magiging mapilit, posibleng malagay ka sa isang hindi kanais-nais na posisyon. Lucky number for today: 9

GEMINI (May 21-June 20) – ‘Wag magpadala sa takot. Alalahaning ang takot ang puwersang pi­pigil sa lahat ng plano mo. Gawin ang nararapat alinsunod sa mga plano mo at ‘wag katakutan kung may magawa kang mali dahil dito ka mas higit na matututo. Lucky number for today: 26

CANCER (June 21-July 22) – Tiyakin munang alam mo ang lahat ng impormasyon bago ibuka ang bibig. Maari kang malagay sa alanga­ning sitwasyon kung aastang alam mo ang lahat at sa huli ay mapapatunayang kulang pala ang hawak mong alas. Lucky number for today: 39

LEO (July 23-August 22) – Sapat ang talento at kakayahan mo pero maaaring hindi mo nagagamit ang lahat. May pagbabagong kailangang ipatupad. Isang pangyayari ang magsisilbing inspirasyon sa iyo. Lucky number for today: 31

VIRGO (August 23- September 22) – Anumang pagtatago mo sa iyong nararamdaman, sa araw na ito ay mangi­ngibabaw pa rin ang totoo. Isang sitwasyon ang maaaring maging dahilan para mas maging emosyunal ka. Hindi dapat kinikimkim ang mga negatibong emosyon. Lucky number for today: 22

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Iwasang maging agresibo ngayon kahit may katuwiran ang nararamdaman mong pagkainis. Iwasang makasamaan ng loob ang sinumang kapamilya at kaibigan. Matatagalan bago maibalik sa normal ang relasyon kung hindi mag-iingat ngayon. Lucky number for today: 2

SCORPIO (October 23-November 21) – Sa araw na ito, kailangan mong mag-effort nang higit pa sa kagustuhan mo para tulungan ang isang taong malapit sa iyo. Subalit huwag nang mag-expect ng pasasalamat at pagkilala, sapat nang makatulong ka. Lucky number for today: 8

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Nakakabigat ang ilang obligasyon pero walang ibang paraan para maligtasan o maiwasan ito. Makatutulong kung tanggapin na lamang ito at iwasang magpokus sa mga negatibong pakiramdam. Lucky number for today: 39

CAPRICORN (December 22-January 19) – Stick ka muna mga napagplanuhan at huwag munang gumawa ng anumang pagbabago para makuha ang hinahanap na resulta. Kung may mga aberyang maranasan, baby steps na lang muna at malalagpasan din ang lahat. Lucky number for today: 12

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Maraming gustong magbigay ng opinion at magpayo pero ikaw pa rin ang higit na nakakaalam ng dapat mong gawin. ‘Wag munang pakinggan ang ibang tao at pakinggan muna kung ano ang kutob mo. Lucky number for today: 13

PISCES (February 19-March 20) – Alam mong makakasakit ang iyong sasabihin sa isang kapamilya o malapit na kaibigan pero kaila­ngan mo itong masabi. Mas makabubuti nang masaktan siya ngayon ngayon mapahamak sa bandang huli. Makukuha mo ang kanyang pasasalamat sa mga darating na araw. Lucky number for today: 19

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy