Una sa Balita

Hororscope 12/27/2018

0 274

ARIES (March 21-April 19) – Bigyan din ng sapat na oras ang pakikinig. Marami kang matututunan at makukuhang impormasyon kung pakikinggan ang mensahe ng mga tao sa paligid mo. Itikom din muna ang bibig sa mga kritisismo. Lucky number for today: 13

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi makukuha sa pagmamadali ang paghihilom kung nasaktan ka sa mga nagdaang panahon. Makiayon na lamang sa agos ng mga pangyayari at darating ang takdang panahon para ganap na mag-move on. Lucky number for today: 33

GEMINI (May 21-June 20) – Puno pa rin ng saya at selebras­yon ang iyong pali­gid. Hindi masamang ipagpaliban muna ang mga seryosong usapin at mas pag-ukulan ng pansin ang pagpapa­kita ng pagmamahal sa mga taong hindi nagsasawang sumuporta sa iyo. Lucky number for today: 2

CANCER (June 21-July 22) – Lahat ng tampuhan ay nareresolba sa pamamagitan ng pag-uusap. Ito na ang pinakamainam na panahon para magpatawad at humingi ng tawad. Lunukin ang pride at gawing mas makulay ang iyong holiday season. Lucky number for today: 53

LEO (July 23-August 22) – Iwasang ikum­para ang landas na tinatahak mo sa ibang tao. Gawin ang anumang pagpupursige alinsunod sa iyong goals sa buhay at hindi dahil may gusto kang pantayan. Pakinggan din ang mga paalala ng iyong mga minamahal. Lucky number for today: 52

VIRGO (August 23- September 22) – Napagdaanan mo na ang mahihirap na aber­ya. Sa pagkakataong ito, deserve mong mag-enjoy sa mga nangyayari. Iwan muna ang mga seryosong usapin at ibuhos ang atensiyon sa mga kasiyahang hatid ng Kapaskuhan. Lucky number for today: 20

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Iwasang lagyan ng limitasyon ang iyong sarili. Marami kang puwedeng ma-achieve. Kailangan mo lamang magpokus para magtagumpay. Lucky number for today: 45

SCORPIO (October 23-November 21) – ‘Wag sukatin ang tagumpay sa achievement ng ibang tao. Gawin lamang inspiras­yon ang tagumpay ng iba at hindi dapat ga­wing sukatan. Malapit mo nang anihin ang mga bunga ng iyong pinaghirapan. Lucky number for today: 44

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung meron mang hindi na-achieve sa mga goals mo sa buhay, alalahaning may bagong taon pang parating. Chill lang at mag-enjoy sa piling ng mga mahal sa buhay. Lucky number for today: 30

CAPRICORN (December 22-January 19) – Pakinggan ang bulong ng puso. Alam mo kung ano ang tunay mong gusto at may pagkakataon kang abutin ito kung pag-uukulan ng sapat na atensiyon. Ito ang panahon para ipakita ang tunay na pagmamahal. Lucky number for today: 51

AQUARIUS (January 20-February 18) – Gaano man kaabala sa trabaho, dapat bigyang puwang ang pagsasaya sa piling ng iyong mga mahal sa buhay. Gamitin ang mga darating na araw para makipagkonek sa mga minamahal na nasa malayo. Lucky number for today: 6

PISCES (February 19-March 20) – May mga positibong pangyayaring parating. Ang bawat isini-share mong blessings ay may dobleng kapalit. Bawat pangyayari ay deserve mo kaya mag-enjoy lamang. Lucky number for today: 15