Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Horford kandado sa coronavirus

0 80

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Boston Celtics big man Al Horford na kasalukuyan nang sumasailalim sa quarantine.

Si Horford, may average noong nakalipas na season na 14.2 points, 6.7 rebounds at 3.4 assists per game, ang ikalawang Celtics cager na dinapuan ng nasabing sakit ngayong buwan kasunod ni Jaylen Brown.

Ayon sa naunang ulat, hindi na sumama si 35-year-old Horford sa biyahe ng koponan patungong Florida para sa preseason game ng Celtics kontra Orlando Magic sa Huwebes at kontra Miami Heat sa Sabado.

Samantala, sa injury report ng Celtics nitong Miyerkoles, ekis rin sa Celtics-Magic preseason match sina stalwart Jayson Tatum, Dennis Schroder, Josh Richardson at Marcus Smart.

Maghaharap ang Celtics at Magic alas-7 ng umaga. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.