Una sa Balita

Hontiveros: Wala pa ring ingay sa SEAG

0 214

EKSAKTONG 100 araw na lamang ang natitira bago magsimula ang ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games subalit ramdam pa rin ang malaking kakula-ngan sa promosyon at pagpapakilala ng gagawin na multi-sports na torneo sa bansa simula sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ang sinabi mismo ni Philippine Olympic Committee (POC) Chairman Steve Hontiveros kahapon isang linggo ang nakalipas matapos na mapagkasunduan sa isinagawang POC General Assembly sa Diamond Hotel ang pag-asikaso para maipadama sa buong bansa ang pagho-host sa kada dalawang taong torneo.

“Wala pa rin kami makita na visual ads, o kahit na ano man lamang na mga litrato ng sports na gagawin sa mga iba’t ibang competition o kahit non-competition venues,” sabi ni Hontiveros.

Una nang pinag-usapan sa POC General Assembly ang pagbuhos ng atensiyon sa promosyon at pagpapakilala sa ikaapat na pagho-host ng Pilipinas sa pangrehiyong torneo gayundin noong mapirmahan ang Tripartite Agreement sa pagitan ng POC, Philippine Sports Commission at ang namamahala sa torneo na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation Inc.

Hindi pa rin sigurado at paiba-iba pa rin ang competition venue ng ilang sports na kasali sa paglalabanang 56 tulad sa taekwondo, volleyball, gymnastics at weightlifting. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy