Una sa Balita

Hontiveros natuwa sa mass testing

0 378

Ikinatuwa ni Senador Risa Hontiveros ang desisyon ng gobyerno na magsagawa na ng agarang mass testing para sa novel coronavirus (COVID-19) na sismulan sa Abril 15.

Sabi ni Hontiveros, mabuti na lang ang nakinig ang gobyerno sa hiling ng mamamayan dahil ito aniya talaga ang solusyon para masugbo ang virus ang mailigtas ang buhay ng mga Pilipino.

“Finally, our urgent call for #MassTestingNowPH will start 14 Ap! Salamat sa pakikinig!” sabi ni Hontiveros sa kanyang Twitter post.

“To defeat COVID-19 outbreak,we need to isolate more cases,& respond to their treatment & care. Uulitin ko:mass testing WILL SAVE LIVES. We can do this,Pinas!” dagdag pa nito.

Nauna nang inihayag ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. na sisimulan na ng National Task Force on COVID-19 ang mass testing sa Abril 14 at may siya na accredited na mga ospital ang magsasagawa na ng pagsusuri.

Hiniling na rin umano ng task force sa Department of Health na madaliin ang pag-apruba ng accreditation ng mas maraming ospital para mabilis ang gagawin nilang testing capability. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More