Una sa Balita

Hontiveros dismayado sa ‘late-night talk show’ ni Duterte

0 458

Kinastigo ni Senadora Risa Hontiveros ang tinawang niyang “late-night talk show” ni Pangulong Rodrio Duterte na inilarawan niyang “prelude to a night of bad sleep.”

Ito’y matapos paghintayin ni Duterte ang publiko nang halos walong oras para pakinggan ang kanyang mensahe sa taumbayan sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ang mensahe ni Duterte ay naka-iskedyul ng alas-4:00 ng hapon subalit naipalabas ito ng halos hatinggabi na.

“The President’s late-night talk show last night was the prelude to a night of bad sleep, to the detriment of the Filipino people’s regular sleeping hours and overall health,” ani Hontiveros sa isang statement.

“After almost 8 hours of delay, the public was presented with neither a sound assessment nor a concrete plan to address the novel coronavirus disease or COVID-19 crisis,” dagdag niya.

Binira din ni Hontiveros si Duterte dahil sa pagkabigo nitong talakayin kung paano nakakatulong ang pinatupad nitong enhance community quarantine para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Karapatan aniya ng publiko na malaman kung ano ang progreso sapul nang ipatupad ang enhanced community quarantine na maituturing na rin na lockdown.

“The Quarantine is essential at this time to slow the spread of the novel coronavirus. But it cannot stand alone,” pahayag ni Hontiveros.

“For the lockdown to be effective, it should be backed up by intensified actions to increase the capacity of our health system, conduct mass testing, and protect our health workers at the frontlines. But the President’s address last night was lacking in all those terms. The usual threats and incoherence do not a report make,” saad pa nito.

Dahil nabigyan na ng special power ang pangulo kasunod ng paglagda ng Bayanihan to Heal as One Act, dapat umanong kumilos agad ang presidente.

Subalit wala umanong naisagot si Duterte sa mga katanungan at ito aniya’y nakakabahala.

“So far, the President provided no clear answers to these questions. It is alarming,” ayon kay Hontiveros.

“Kailangan na ng taumbayan ang tulong na dapat sa kanila. Time is of the essence. For us to effectively defeat COVID-19, the government must act with a sense of urgency,” wika pa nito. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More