Una sa Balita

Hongria agresibo sa LPU kontra EAC

By
0 386

LALONG ibinaon ng Lyceum of the Philippine Lady Pirates ang nagku­kumahog na Emilio Aguinaldo College Lady Generals matapos hatawin ang 25-17, 25-16, 27-25 panalo kahapon sa 94th NCAA women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kumayod si Rocelyn Hongria ng 17 points mula sa 13 attacks, tatlong blocks at isang service ace upang tulungan ang Lady Pirates na ilista ang 3-5 karta.

May natitira pang isang laro ang Intramuros-based squad pero kahit maipanalo pa nila ay wala na silang pag-asang pumasok sa susunod na phase.

Para sa Lady Gene­rals, nanatili silang nakalubog, tinapos nila ang kanilang kampanya na walang ipinanalo sa siyam na salang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy