Una sa Balita

Hong Kong protest higit 2 buwan na

0 239

MAHIGIT 2 buwan na ngayon ang kilos protesta na isinasagawa ng mamamayan ng Hong Kong.

Sa loob ng ikatlong­ araw ay muling dinagsa­ ng mga rali­yista ang Hong Kong international­ airport na sumisigaw ng kanilang mga pro-democracy slogan at ang iba may mga bitbit na placard.

Namimigay din ang mga raliyista sa mga dumarating na turista sa paliparan ng mga leaflet at poster na nakasulat sa iba’t ibang wika at ipinapaliwanag ang mga dahilan ng kilos protesta at kung ano ang kahilingan ng mga demonstrador.

Ipinahayag naman ng mga awtoridad ng paliparan na magdadagdag sila ng security para umalalay sa mga pasahero at airport staff.

Sinabi pa ng mga awtoridad na mga pasaherong may valid ticket o boarding pass at travel document lamang ang kanilang papayagan na makapasok sa paliparan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy