Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hong Kong pinaalerto sa COVID variant galing ‘Pinas

0 225

Minungkahi ng mga eksperto sa Hong Kong ang mahigpit na pagbabantay laban sa COVID-19 case galing sa Pilipinas, kung saan nakita ang bagong variant ng virus.

Nitong Sabado nakapagtala ng bagong kaso ang Hong Kong, kabilang ang isang imported case na galing sa Pilipinas. Nakitaan ang pasyente ng N501Y mutation na unang nakita sa variant mula sa Britain.

Sa ulat ng SCMP, sinabi ni Dr Chuang Shuk-kwan ng Centre for Health Protection na ang pagtaas ng N501Y mutation case ay may kagugnayan sa mga dumarating mula sa Pilipinas.

Sinabi rin ng respiratory medicine specialist Dr Leung Chi-chiu na kailangang suspindehin ang pagpasok ng domestic worker mula sa Pilipinas para mabawasan ang banta ng virus.

“Based on the lineage and the locations of mutations of the variant, there were reasons to believe that it had a higher efficiency in transmission and ability to evade the immune system,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.