Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Honeymoon kanselado: Ellen is not pregnant – Derek

0 226

Basta si Derek Ramsay ang tinanong ko, ang bilis talaga niyang sumagot.

Noong Monday afternoon ay ka-chat ko nga ang hunk actor via Viber app at tinanong ko siya sa duda ng mga netizen na buntis na ang misis niyang si Ellen Adarna.

Inusisa ko nga si Derek kung tama ba ang kutob ng marami na nasa interesting stage na ang misis niya? May lumabas kasi na gusto raw kasi ni Derek na baby boy ang una nilang anak ni Ellen at ang kanyang misis naman ay nagsabi raw na baby girl ang gusto nito.

Pero nilinaw ni Derek na mali ang duda ng mga netizen dahil, “No she is not (pregnant), Friend.”

So, gusto ba talaga niya ng baby boy at baby girl naman ang gusto ni Ellen? Bakit hindi twins na lang. Isang baby boy at isang baby girl agad?

“Kung ano ang ibigay ni Lord (okey lang),” sabi naman ng hunk actor.

At least, okey naman pala kahit na baby boy or baby girl, huh!

Anyway, noong Monday afternoon din ay nag-decide na sina Derek at Ellen na kanselahin na muna ang honeymoon nila sa Africa.

Dapat ay second week of January ‘yon, pero nang tanungin ko siya tungkol doon ay sinabi niyang, “We just canceled our honeymoon. We will try when this COVID thing settles.”

Actually, marami talagang nagbabago ng kanilang mga plano dahil tumitindi nga ang COVID-19 cases dahil na rin sa Omicron variant.

Let’s just stay positive na tuluyan ding mawawala itong pandemic at maging negative tayong lahat sa nasabing virus.

Right, Dondon (my dear editor)?

Mga concert producer problemado

Dahil may spike nga ng COVID-19 sa maraming mga bansa kasama na ang Amerika dahil sa Omicron variant, may mga nangangamba tuloy na baka hindi raw matuloy ang ilang Pinoy shows na nakatakdang magkaroon ng tour sa bansang ‘yon.

Sabi ng isang promoter na nakatsikahan ko, wait and see lang daw muna sila.

Eh, dito rin pala sa Philippines, may ibang nagpoprodyus ng mga concert ang naghahanda na sana dahil baka third quarter daw ng 2022 ay okey na.

Pero dahil nga tumindi na naman ang positive cases, baka maging malabo na naman ‘yon.

Well…

Leave A Reply

Your email address will not be published.